Sunday, January 12, 2020

Angel Jones ipinagtanggol ang anak na si Tony: "It’s sad that people love fake news"

Tony Labrusca and mother Angel Jones / Photo from PUSH

Sa dalawang magkasunod na tweets ni Angel Jones, ina ng Kapamilya aktor na si Tony Labrusca, sinabi nito na hindi dapat basta basta maniwala sa maling impormasyon at paninira sa mga taong nagtatamasa ng magandang pangyayari sa buhay.

Nagpost ang 40 anyos na host/model/beauty consultant ng tweets matapos ang controbersyal na pangyayari sa pagitan ni Tony at ng mga Immigration Officers sa NAIA Terminal 1 noong Huwebes, January 3.

Sa mga tweet na si Angel, sinabi nitong kahit ano man ang gawin ng isang tao ay mayroon at mayroong masasabi ang iba.

Everyone will always have something to say no matter what you do. Can’t please them all,” tweet ni Angel.

"It’s sad that people love fake news and enjoy hating people that do well,” dagdag nito.

Dagdag pa ni Angel sa mga taong naniniwala sa mga walang katotohanang kwento: 

You can tell a lot about a person based on the gossip they listen to and stories believe.”



***
Source: PEP

No comments:

Post a Comment