Sunday, January 12, 2020

Tony Labrusca nanigaw at nagmura sa harap ng mga Immigration Officers sa NAIA 1

Tony Labrusca / Photo from PEP

Sa isang Facebook post, ibinunyag ng isang netizen ang diumano’y paninigaw at pagmumura ng ABS-CBN actor na si Tony Labrusca sa harap ng Immigration Officers sa NAIA Terminal 1.

Ayon sa PEP, isang immigration officer ang nakasaksi sa ginawang eskandalo ng aktor noong Huwebes, January 3.

Ayon sa PEP, hindi pa raw nila nakukuha ang permiso ng netizen upang pangalanan ito.

Kalakip ng Facebook post ng netizen ang screenshot ng Twitter post ni Tony, na tila kinukuwestiyon kung bakit 30 days lang siyang pinayagang manatili sa bansa. 

Tweet ni Tony: “Just landed in Manila and the Philippine immigration only gave me 30 days here . LOL . k.”  
Screencap from Twitter

Ipinaliwanag naman ng netizen ang diumano’y insidente sa pagitan ni Tony at ng Immigration Officers.

Depensa ng netizen, may basehan kung bakit hindi basta pinayagan magtagal si Tony sa bansa nang mahigit sa ibinigay ditong 30 days.

"You don't have a Philippine passport, not even born in the Philippines, and not travelling with filipino parents, but you want the same treatment as the other former filipinos. You even shouted and cursed at my supervisor, bragging that you're a celebrity. Ang galing mo talaga umeksena, hindi ka na nahiya sa ibang tao. Sigaw ka nang sigaw sa harap ng officers. Boo!" saad nito.

"The funny thing is, you were so proud to brag that you work here when you're only suppose to be a tourist here in the Philippines. Tapos mai ganito ka pa na post. Palakpakan! For your info, Balikbayan visa is not a working visa.Nakakahiya ka. Period.” dagdag ng netizen.
Screencap from Twitter

Sa comment section, may isa pang saksi sa insidente ang naghayag at nag-quote sa diumano'y pagmumura sa kanya ni Tony, na tinawag niyang "arrogant US Citizen." 
Screencap from Twitter

Ayon sa PEP, ang saksing ito ay Immigration Supervisor na sinigawan umano ni Tony.

Dinepensahan ng Immigration Supervisor ang Facebook post at comments ng kanyang mga tauhan sa Immigration. 

Ayon sa kanya, ang kanyang mga kasamahan “reacted lang kasi doon sa fan comments and his [Tony] gall to tweet considering the way he acted this morning.

Sabi nito, "He was referred by the primary immigration officer. Witnessed by other immigration officers and passengers.

Dagdag ng Immigration Supervisor na binigyan lamang talaga ng 30 days si Tony dahil “a[s] tourist status na yun lang yun dapat na status niya talaga."

Pero hindi raw ito ikinasiya ng aktor.

Paliwanag pa ng Immigration Supervisor, nagde-demand si Tony ng Balikbayan Visa, o kilala rin sa tawag na Balikbayan Program.

"He was vehemently demanding for this status this morning. The Balik Bayan Visa (RA6768) is a 1 year free visa upon arrival. It is a privilege for FORMER filipinos and their direct alien national family members (spouse and children) accompanying them. PRIVILEGE, NOT A RIGHT. — This is only given if the said ‘foreigner’ is traveling w/ his parents who’re former Filipinos or are still Filipino citizens."

Hindi raw akma ang Balik Bayan Visa sa kaso ni Tony dahil mag-isang dumating ang aktor mula sa Canada.

"He was traveling with neither of his parents this morning. He is a US citizen holding of course a US passport. Not even a dual citizen. Ayusin na lang sana yun status niya w/ our country – that was what I was trying to explain to him. He is after all ‘still a foreigner’ obviously working in the Philippines w/o a proper visa."

Mayroon na rin daw "pending immigration investigation" sa insidenteng kinasangkutan ni Tony.

Ayon sa PEP, nakasaad sa website ng Bureau of Immigration ang pribilehiyong naibibigay sa mga Filipino na maituturing na Balikbayan.

Sabi rito: "Those who are admitted as Balikbayans are given an initial stay of one (1) year.

"They may extend their stay for another one (1), two (2) or six (6) months provided that they present their valid passport and filled out the visa extension form and submit it to the Visa Extension Section in the BI Main Office or any BI Offices nationwide.

"An additional requirement will be asked for Balikbayans who have stayed in the Philippines after thirty six (36) months.”

Nakasaad din dito na ang isang foreigner spouse o anak ng isang Balikbayan ay hindi maaaring bigyan ng pribilehiyong ito kung mag-isa lamang itong dumating sa Pilipinas.

"A foreign national spouse and/or child of a Balikbayan may only be given the said privilege if he/she is traveling with his/her Balikbayan spouse or parent," ayon pa rin sa website. 


***
Source: PEP

No comments:

Post a Comment