Saturday, January 25, 2020

Ano ang Mabisang Lunas Kapag Inaatake ng Hika?

Ang sakit na hika ay karaniwan nang sakit ng maraming Pilipino. Malalamang ang isang tao ay nakararanas nito kung ang kaniyang paghinga ay hindi normal at parang may tunog ng sipol.
Imahe mula sa GMA

Hindi basta-basta nalulunasan ang sakit na ito. Sa katunayan nga, ito ay may pabalik-balik na sintomas. Subalit may mabisang gamot sa hika na puwedeng maasahan. Hindi man mabilis ang paggaling, garantisado namang mawawala ito, in time.

Ano ang hika?

Kilala rin ang hika sa tawag na ‘asthma’. Ang mga karaniwang nararanasang sintomas ng taong may hika ay ang pagsipol sa kanilang paghinga, pag-ubo nang madalas, kinakapos sa paghinga, at madalas na pag-ubo. Ang sakit na ito ay maaaring hindi masyadong malala na hindi dapat ikabahala. Ngunit sa karamihan, ito ay karamdamang nakukuha pagkapanganak pa lamang. Kaya naman kapag sinusumpong ang taong mayroon nito, talaga namang napakasakit sa pakiramdam.

Maraming puwedeng panggalingan ang sakit na asthma. Isa na rito ang pagiging sensitibo at pamamaga ng mga maliliit na daluyan ng hangin sa baga. Kaya naman sa tuwing sinusumpong ang hika, nagkakaroon ng buildup ng plema sa baga. Kumikipot ding ang daluyan ng hangin kaya naman nahihirapan at hinahabol na ang hininga. Ayon sa mga eksperto, wala namang permanenteng lunas ang sakit na ito. Subalit ang pagbabago ng lifestyle ay maaari na ring maging gamot sa hika dahil lumalaki ang tsansa ng pag-atake ng hika ng 50 porsiyento.
Photo credit to the owner

Mga hindi dapat kainin ng taong may hika

Napakaraming may hika sa buong mundo. Dahil dito, napakaraming gamot sa hika na madidiskubre. Ngunit hindi lahat ay naaangkop sa lahat ng tao. Ito ay dahil sa may iba’t-ibang uri ng hika at iba’t-iba rin ang edad ng nagkaka-hika. Ayon sa pag-aaral, 1 sa bawat 8 bata sa buong mundo ang may hika. Sa mga matatanda naman, 1 sa bawat 13 ang mayroon ding ganitong karamdaman.

Narito ang mga bawal na pagkain sa may hika na dapat talagang iwasan. Dapat ding tandaan ang mga bagay na hindi dapat gawin ng taong may ganitong karamdaman.
  • Softdrinks o cola – Ito ay nakakapag-trigger ng hika, lalong-lalo na sa mga maliliit na bata.
  • Pagkaing may MSG of Vetsin – Matagal nang alam ng nakararami na ang pagkaing ma-vetsin ay lubhang nakakasama sa taong may hika. Kung mas marami ang vetsin na inilalagay sa pagkain, mas lalala ang pag-atake ng asthma.
  • Dapat alam kung saan allergic para maiwasan ang mga ito – Dito sa bansa, madalas, ang mga pagkaing dagat gaya ng alimango, hipon at posit ang mga dapat iwasan. Maging ang itlog, mani at manok ay dapat ding iwasan.
  • Aspirin at pain relievers – Ang mga ito ay malakas at mabilis makapag-triggern ng hika.
  • Mga pagkaing nagpapakabag – Kabilang dito ang beans dahil magkagaroon ng hangin ato tiyak na lolobo ang tiyan kapag kumain nito. Magiging sanhi rin ito ng hirap sa paghinga.
  • Iwasan ang polusyon – Kabilang na rito ang usok na nanggagaling sa sasakyan at sigarilyo at. Maging ang alikabok ay maaari ring malanghap at makapagdulot ng paninikip ng paghinga at pag-atake ng hika.
Ano-ano ang nararamdaman ng taong may hika?

Ang taong may hika ay higit na masama ang pakiramdam kaysa sa taong nilalagnat lamang. Ang kadalasang dahilan ng pag-atake ng asthma ay allergy. Bukod dito, marami pang mga dahilan na maaaring pagmulan ng hika. Bago pa man matuklasan ang mabisang gamot sa hika, importanteng malaman muna kung ano nga ba ang sanhi ng pag-atake nito. Unang dahilan na rito ang sinus infection at sipon. Ito ay sakit na nakakahawa na karaniwang nagdudulot ng pagsumpong ng hika.
Photo credit: Mga sakit

Ang stomach acid ay isa pang sanhi ng asthma. Ito ay kadalasang nararamdaman habang nakahiga o natutulog sa gabi at tumutungo ang asido sa esophagus at sikmura. Sa lahat ng pinagmumulan, paninigarilyo ang pinaka-kariniwang sanhi sa lahat. Ayon sa mga pananaliksik, ang batang may magulang na naininigarily ay may mas mataas na tsansang maka-acquire ng sakit na hika.

Natural na gamot sa hika

Marami ang nagsasabing ang hika ay permanenteng karamdaman na. Ngunit mayroon namang gamot sa hika na makapagpapadalang ng pag-atake nito. Ngunit kadalasan, ang nagiging problema ay ang pagtanggap ng pasyente sa gamot. Minsan, nagkakaroon siya ng hindi magandang reaksyon lalo na kapag matapang masyado ang oral intake. Kaya naman inirerekomenda ang halamang gamot sa hika.

Dahil ito ay chemical-free, ang halamang gamot sa hika ay garantisadong ligtas. Maging ang mga bata ay maaaring sumubok nito dahil hindi magkakaroon ng ano mang allergic reaction. Una na sa mga mabisang gamot sa hika ang oregano. Ito ay mabisang lunas dahil sa kakayahan nitong bawasan ang pamamaga. May sangkap din ang oregano na nakakapagpalinis ng baga.

Kayang-kayang bawasan ng properties na mayroon ang oregano ang pamamaga ng daluyan ng hangin sa baga. Dahil dito mababawasan na ang hirap ng paghinga ng taong may hika. Epektibong panglunas ang oregano kung iinumin ito (na ginawang parang tsaa) ng 2-3 tasa araw-araw. Makakagawa ng oregano tea sa pamamagitan ng paglalagay ng 3 piraso ng dahon sa mainit na tubig. Iwanan ito ng 10 minuto bago inumin. Maaaring haluan ng honey para sa mas masarap na lasa.

Isa pang halamang gamot sa hika ang luya. Ito ay mayroon ding sangkap na nakakapagpabawas sa pamamaga ng daluyan ng hangin sa may papunta ng baga. Ayon sa mga ekperto, ang luya ay may mga sangkap na napatunayan nang nakapagpaparelax ng kalamnan sa dadaluyan ng hangin na karaniwang sobrang tensionado at namamaga sa panahon ng pag-atake ng hika. Nagiging mas epektib ang luya kung ito ay iinumin ng 2-3 tasa (na parang salabat) araw-araw. Makagagawa ng salabat sa pamamagitan ng pagkuha ng luya, mga isang pulgada ang laki. Hiwain ng maliliit, pakuluan ng 10 minuto, salain at hayaang lumamig bago inumin.


***
Source: Gamot.info

No comments:

Post a Comment