Friday, January 24, 2020

Lalaking nag-viral dahil sa pagpapabaya sa nasawing anak, dumipensa

Nagsalita na ang lalaking nag-viral sa social media dahil sa pagpapabaya umano nito sa kanyang anak na nasawi kamakailan.

Sa Facebook post ng netizen na si Madel Togonon, ikinuwento nito ang hindi katanggap-tanggap at kasuklam-suklam na pagiging iresponsable ng kanyang dating kinakasama na si Nico Panerio.

Nakarating ang pangyayaring ito kay Raffy Tulfo at sa kanyang programang ‘Aksyon’ ay nakapanayam nito ang dalawa. 

Ayon kay Nico, kasinungalingan umano ang lahat ng mga ibinibintang sa kanya ni Madel.

Kwento nito, hindi raw siya naging pabayang ama. Noong nasa ospital raw ang kanilang anak ay nandon din siya at nagbabantay.

Ayon kay Nico, pinagbabantaan raw siya ng kapatid ni Madel kaya hindi ito nakapunta sa burol ng kanyang anak. Habang ang mga video na kumakalat kung saan makikita siyang naglalaro ng ‘DOTA’ at nagsasaya ay matagal na raw.

Dagdag nito, mayroon din daw siyang mga ebidensiya na makakapagpatunay na totoo ang mga sinasabi niya. 

Tumanggi na itong magbigay ng iba pang impormasyon at sinabing sa korte na lamang sila magkita ng Madel. 

Samantala, ayon naman kay Madel, mayroon din daw siyang hawak na ebidensiya na mas makakapagdiin sa lalaki. 

Pinanindigan ng babae na ang mga video na lumabas ay kuha habang nasa kritikal na lagay ang anak at mismong kaibigan pa raw ng lalaki ang nagpadala sa kanya.

Nangako naman si Raffy Tulfo ng tulong para kay Madel. 

Panoorin ang video sa ibaba:


***
Source: KAMI

No comments:

Post a Comment