Nanlumo ang isang netizen nang hinuli ang kanyang kapatid ng mga pulis dahil lamang nakatsinelas ito habang nagmamaneho ng tricycle.
Imahe mula sa Facebook post ni Arci Drxs Rys
Sa Facebook post ng netizen na si Arci Drxs Rys, ikinuwento nito ang nakakalungkot na pangyayari sa kanila ng kanyang kapatid habang pabalik na sila sa isang barangay kung saan sila naka-evacuate.
Ayon kay Arci, pumunta sila sa bayan ng Batangas upang mamili ng kaunting gamit, at nang pauwi na sila ay may nadaanan silang checkpoint. Kinuha raw ng isang pulis ang lisensiya ng kanyang kapatid at itinanong kung saan sila papunta.
Ayon sa pulis, one way raw umano ang dinaanan ng magkapatid. Ngunit kwento ni Arci, hindi raw nila alam na one way ang daanan dahil wala silang nakitang signs.
Imahe mula sa Facebook post ni Arci Drxs Rys
“hindi namin alam na one way iyun dahil walang dumadaang sasakyan at may mga nakatigil na sasakyan sa tapat nila na mula sa pinanggalingan din namin,” sabi ni Arci.
Sinubukan pa raw ng magkapatid na makiusap sa pulis na humarang sa kanila ngunit hindi sila pinapansin nito. Tuluyang tinikitan ng pulis ang kapatid ni Arci at nang sabihin nilang hindi pa nila mababayaran iyon dahil nanghihingi pa sila ng tulong, sagot ng pulis, “edi makakasuhan ka at isa ka sa magiging wanted”.
Ayon sa larawang in-upload ni Arci, ‘wearing sleper’ ang inilagay ng pulis na violation sa ticket.
Imahe mula sa Facebook post ni Arci Drxs Rys
Hindi napigilan ni Arci na manlumo at idaing ang nararamdamang hirap sa kabila ng sakunang kanilang pinagdadaanan.
Sa ngayon ay umabot na sa 12k reactions at 12k shares ang nasabing post ni Arci.
Basahin ang buong kwento sa ibaba:
“Galing kami sa bayan ng batangas para mamili ng kaunting gamit dahil wala kaming masyadong nadalang gamit tulad ng damit at underwears umaasa lang ho kami sa bigay ng mga may magagandang loob, tricycle ang gamit naming sasakyan tapos pauwe na kami ng bumungad ang check point na malayo palang kita na namin sila pero dumeretso pa rin kami kasi may lisensiya naman ang kapatid ko. Pinara kami ng pulis na nasa litrato ayos kaming tumigil at ibinigay ng kapatid ko ang lisensiya niya sinabi na rin naming isa kami sa evacuees galing ng bayan ng San Nicolas tinanong niya kami saan kami nag evacuate sinabi naming sa brgy. Dalig parang may doubt pa siya na bakit daw doon sabi namin kasi doon ho ay may kamag anak kami. One way daw yung dinaanan namin, hindi namin alam na one way iyun dahil walang dumadaang sasakyan at may mga nakatigil na sasakyan sa tapat nila na mula sa pinanggalingan din namin kaya rin kami nagderetso e tapos tumalikod siya samen at ipinasa niya ang lisensiya ng kuya ko sa isa pang pulis ipinipilit niya samen na alam naming one way ang dinaanan namin which is di talaga namin alam wala rin naman signs na one way yung daang yon. Nakiusap kami sa humarang samen hindi niya kami pinapansin bagkos iniiwasan niya lang kami habang yung isang pulis deretso ang pag titicket sa kapatid ko pinapirma ang kapatid ko sabi ng kuya ko “paano ho yan hindi pa ho namin mababayaran yan nanghihingi pa mga ho kami ng tulong saan naman ho kami kukuha ng pang tubos jan” ang sakit na ang isinagot ng nagticket samen ay “edi makakasuhan ka at isa ka sa magiging wanted”. Ang itinicket po sa kuya ko ay dahil nakatsinelas. Naiintindihan ho namin ang trabaho ninyong mga pulis ngunit sana ho ay naiintindihan niyo rin ho kami sa ganitong sitwasyon. Kakapanlumo ho kayo. 😔🥺
- Sa sitwasyong ito mas lalo kong naramdaman ang sakunang aming pinagdadaanan. 😔🥺
***
Source: Arci Drxs Rys | Facebook
Sad
ReplyDelete