Thursday, January 16, 2020

LizQuen may mensahe kay Pangulong Duterte patungkol sa ABS-CBN franchise renewal

Parami ng parami ang mga artistang nananawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa banta nitong hindi niya papayagang ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.
Liza Soberano and Enrique Gil / Imahe mula Philippine Canadian Inquirer

Sa isang press conference ng upcoming primetime series na Make It With You nina Enrique Gil at Liza Soberano, nagpahayag ng kanilang saloobin ang Lizquen hinggil sa plano ng Pangulo.

Noong una ay may agam-agam pa si Liza na sagutin ang tanong.

Words for the President? Oh my gosh...I believe he is understanding and alam niya namang maraming maapektuhan. It's not just the company itself but all the employees and I'm sure he has a generous heart and understanding heart, so I hope he wakes up one morning and he thinks about it again and maging bukas 'yung puso niya sa lahat ng smaller employees na nangangailangan ng trabaho,” sagot ni Liza.

Tinanong rin kay Enrique ang parehong tanong kay Liza.

Actually, sa birthday ko po yun. Sakto sa birthday ko,” sambit ni Enrique.

Sa March 30, 2020—o halos tatlong buwan mula ngayon—nakatakdang mag-expire ang ABS-CBN franchise.

Ang iniisip ko lang ay yung mga mababang position. Siempre nasasaktan din ako na there’s a possibility na matuloy, ‘coz yeah this is the company we grew up in, I’ve been here for a long time. I don’t know man, I just hope for the best,” sagot ni Enrique.


***
Source: PEP

No comments:

Post a Comment