Wednesday, January 29, 2020

Dating merchandiser pahirapang nakuha ang huling sweldo at benepisyo

Inireklamo ni JC Semira, 35, isang merchandiser sa supermarket, ang kanyang agency na One Source Facility Services.
JC Semira / Larawan mula ABS-CBN News

Ayon kay Semira, nang matapos ang kanyang kontrata sa agency at hindi agad ito nahanapan ng trabaho, boluntaryo siyang nag-resign. Pero hindi nito nakuha ang kanyang huling suweldo na naiwang benipisyo, na aabot sa higit P10,000.

"Huling suweldo, 'yong natirang 13th month [pay] at 'yon pong, mayroon pa pong kulang na suweldo," sabi ni Semira.

"Sabi ni One Source, 60 days daw ire-release. Noong lumampas na ng 60 days, wala pa din silang binibigay," aniya.

Pumunta sa Department of Labor and Employment (DOLE) si Semira upang magreklamo laban sa kanyang agency pero hindi siya sinipot nito sa 4 na pagdinig.

Ayon kay Labor Assistant Secretary Benjo Benavidez, may karapatan si Semira sa kaniyang claim kahit na boluntaryo itong umalis sa agency.

"To us, I think one month is enough for the processing ng claim ng isang empleyado," ani Benavidez.

Muling ipinaaala ni Benavidez na obligasyon ng mga employment agency na hanapan ng trabaho ang kanilang empleyado sa loob ng 3 buwan simula nang mawalan ng trabaho.

"Kung hindi po iyon mabigyan within the period of 3 months, 'yon po ay maituturing nang separation. That entitles the work, separation pay," ani Benavidez.

Ayon sa report ng ABS-CBN News, nagpadala ng sulat ang One Source Facility Services sa “TV Patrol”, at sinabi nitong nakipag-ayos na umano sila kay Semira.

Nakuha na ni Semina ang naiwang sahod at benepisyo mula sa dating agency.


***
Source: ABS-CBN News

No comments:

Post a Comment