Thursday, January 9, 2020

Deboto ng Itim na Nazareno nag-propose sa nobya habang nasa Traslacion 2020

Viral ngayon sa social media ang pagpo-propose ng netizen na si Kim Noel Yamat, 23, sa kanyang kasintahang si Mary Joie Flores, 23, sa kasagsagan ng Pista ng Itim na Poong Nazareno.
Imahe mula Manila Public Information Office | Twitter

Sa larawang ibinahagi ng Twitter account ng Manila Public Information Office, makikita na nakasuot ng t-shirt na may imahe ng Nazareno ang dalawa habang nagbahagian ng matamis na halik.

Ayon kay Yamat, naisip niyang gawin ito sa Kapistahan ng Poong Nazareno dahil pareho silang deboto ng kanyang nobya.

Matatandaan na noong nakaraang taon din ay nag-propose ang isang deboto na si Christian Genese sa kanyang nobya na si Christine Orpiano, na nagkakilala pa noong grade school pa lamang.
 Imahe mula Manila Public Information Office | Twitter
Imahe mula Manila Public Information Office | Twitter

***

No comments:

Post a Comment