Friday, January 10, 2020

Deboto ng Nazareno sinabing nang-spray umano ng tubig na may sili ang mga pulis

Nagreklamo ang isang deboto ng Itim na Poong Nazareno sa ginawa umano ng ilang nagbabantay sa andas sa kasagsagan ng Traslacion 2020.
Imahe mula RMN.ph

Sa interview ng CNN Philippines kay Bong Encarnado, sinabi nitong hindi umano makalapit ang ilang mga deboto sa andas dahil sa ginagamit na pang-spray ng mga nagbabantay sa imahe.

Nasorpresa ang mga deboto kasi bukod sa mahigpit sila, ginamitan nila kami ng spray,” ayon kay Encarnado.

Kwento ni Encarnado, sa mata umano tinututok ang nasabing spray at ayon sa kanya ay tila gawa sa tubig na hinaluan ng sili at mga 10 minuto bago maka-recover sa pagkakahirap makakita.

May nagbe-break dun ng barrier, pinilit ng deboto na makalusot dahil gawa nga noong sobra silang higpit. Hindi nila kinaya yung lakas ng deboto pero hindi pa rin na-break yung wall nila. Ang ginawa kasi nila nang-ispray sila sa mga mata,” saad pa nito.

Duda ni Encarnado, mga pulis umano ang gumawa nito dahil sila ang mga nasa frontline na tagabantay sa andas.

PNP [ang nag-spray]. Yung frontliner nila yung naka-blue na pulis tapos second liner nila naka-fatigue. Ang nang-spray samin yung nasa unahan,” aniya pa.

Hindi naman na magsasampa ng reklamo si Encarnado at ipapaubaya na lang sa Nazareno at kay Manila Mayor Isko Moreno ang kahihinatnan ng mga nang-spray sa Traslacion.

Ngunit pakiusap nito’y sana ay hindi na muling maulit ang nangyari.

Sa 26 years naming namamanata, ngayon lang nangyari sa’min ito. Kasi kung dati malaya kaming nakakalapit sa andas, balyahan, dikdikan, sanay kami diyan, pero ‘yung gagamitan kami ng spray, mali,” hiling nito.


***
Source: Abante

No comments:

Post a Comment