Hindi inakala ng isang pinay na aabot sa New York ang kanyang litrato sa Twitter.
Nagulat na lamang si Tiffany Candelaria, 24-taong-gulang ng makatanggap siya ng mensahe galing mismo sa Twitter na sinasabing napili ang kanyang post sa kanilang bagong ad campaign.
“Sobrang natuwa po as in 'di ko po in-expect. Noong nag-notify po ‘yung Twitter, akala ko po talaga hindi totoo, akala ko po spam lang kaya hindi ko pinansin.”
“Tapos noong totoo nga po at kinonfirm nila, sobrang nagulat po ako.”
“Tapos noong totoo nga po at kinonfirm nila, sobrang nagulat po ako.”
Ayon sa panayam ni Tiffany sa DZMM, nais niyang magkaroon ng pagkakataon na makita ang billboard niya nang personal.
“Iniisip ko po, parang gusto kong pumunta ng New York ngayon… Siyempre once in a lifetime lang po ‘yun eh,” aniya.
Ayon kay Tiffany, may ipapadalang “thank you package” sa kanya ang Twitter dahil isa siya sa mga napili sa kanilang ad campaign.
Makikita ngayon sa isang subway station sa New York ang billboard ng Twitter post ni Tiffany na kuha sa Boracay noong Mayo.
WHAT’S HAPPENING, @Twitter?! 👀👀👀— Tiffany Candelaria (@tiffssyy) August 8, 2019
sino nasa states someone track down my billboard lmao pic.twitter.com/1EjWhplWTU
Photo credit: Tiffany Candelaria
***
Source: ABS-CBN
No comments:
Post a Comment