Imahe mula Filipino Tech Addict
Dear PLDT Home DSL
Ako po ay gumawa ng open letter para sa inyo para magpasalamat nang sobra sobra, yes, PLDT, hindi kayo nagkakamali ng basa. Ako po ay sobra-sobrang nagpapasalamat sa inyo dahil sa sobrang sulit ng internet service n’yo.
Bakit ba ganito na lang pasasalamat ko?
Ito po ay dahil sa super ganda at bilis ng internet ay napakarami kong nagagawa. Opo! Sobrang dami talaga.
Nand’yan ‘yung matulog muna ako, magbabad sa kubeta para maligo at *******(bahala na kayong mag-isip), magluto, maglaba, makipagtsismisan, manood ng tv, makinig ng radio, magdrawing at magsulat and yet ang letcheng internet n’yo naglo-loading pa rin.
Di ba sobrang bilis?
Anak ng tinapang may side dish na atsara! Oo, lahat ng iyan ay magagawa ng isang tao dahil super duper ultra mega hyper speed n’yong internet na kulang lang ng isang paligo sa dial up internet. Mantakin n’yo ang bilis ng isang dial kumpara sa internet n’yo, mga hin***pak kayo!
Anak ng pitong puting pating talaga! Alam n’yo ba sa sobrang bilib ko sa light speed n’yong internet ay sabik na sabik lagi akong nagbabayad ng internet bill ko. Grabe! Nagkakandarapa pa ako na kapag sasapit ang katapusan ng buwan, pagmulat pa lang ng mata ko ay ang pagbabayad kaagad sa inyo ang iniisip ko.
Ganyan ako loyal sa inyo kasi nga napakasulit ng serbisyo n’yo na para bang gusto ko na lang ibigay ang pera ko sa inyo. ‘Yung tipong may muta at ang baho pa ng hininga mo pero inaasikaso mo kaagad pagbabayad sa inyo kasi no choice e. Kailangan kong bayaran ‘yung usad pagong, ay sorry napaka oa ko naman. Ok! Palit palit ng description. Kailangan kong usad snail ( ayan sakto na ‘yan ah) n’yong internet.
Anyway, hanggang dito na lang ang sulat ko sa inyo dahil baka abutin pa ng pagtatapos ng Ang Probinsyano ang pagse-send ng letter na ito.
PS: Kabahan na kayo, PLDT, dahil may papasok na magpapaiyak sa inyong kompanya. Kaya kung ako sa inyo ayusin n’yo na ang serbisyo n’yo, please lang.
Lubos na bwisit na bwisit,
MP
***
No comments:
Post a Comment