Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng isang Chinese national matapos itong mahuli sa paglabag sa number coding at duraan ang pulis na umaaresto sa kanya.
Pinaharurot umano ni Zhao Zhi Yo ang kanyang sasakyan nang sisitahin sana ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa Binondo.
Ayon sa MTPB, nagpanggap umano ang Chinese na hahanapin lamang ang kaniyang ang lisensiya, pero bigla umano nitong pinaharurot ang kanyang SUV patungong Tayuman.
Dahil sa mabilis na takbo ng kanyang sasakyan, nabangga ni Zhao ang isang motorsiklo, SUV at e-trike sa kasagsagan ng habulan.
Natapos ang habulan sa kanto ng Abad Santos at Tayuman matapos pumailalim ang motor ng MTPB sa sasakyan ng Chinese.
Sa report ng ABS-CBN, nagtulong-tulong umano ang mga pulis para ma-corner ang SUV at nang buksan ang bintana ng sasakyan, nakita si Zhao na may kasamang isang babae.
Ayon sa babae, hindi niya personal na kilala ang Chinese. Pinupukpok pa umano siya nito sa kasagsagan ng habulan.
Nakuha naman ng mga pulis kay Zhao ang isang maliit na sachet ng hinihinalang shabu.
Nahaharap sa paglabag ng number coding, beating the red light, resisting arrest, reckless imprudence resulting in damage to property, at possession of illegal drugs si Zhao.
At dahil dinuraan niya ang nang-aarestong pulis, kakasuhan rin ang dayuhan ng direct assault.
Panoorin ang video:
***
Source: ABS-CBN
No comments:
Post a Comment