Thursday, February 6, 2020

TIGNAN: Papaano at saan maaaring kumuha ng Certificate of No Marriage o CENOMAR?

Ang pagpapakasal ay hindi lamang napakadaling gawin o desisyon. Dahil bukod sa gastos ay marami ring dokumento ang kailangan.

Isa sa mga dokumentong kailangan ay ang Certificate of No Marriage o CENOMAR. Ang dokumentong ito ang magpapatunay sa isang tao na hindi pa ito ikinasal at nananatili itong single. Ito ay ibinibigay ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang CENOMAR ay requirement sa pagkuha ng marriage license kahit na sa huwes o sa simbahan man gaganapin ang kasal. Bukod dito, mayroon din umanong mga kompanya na hinihingi ang ganitong requirement kung saan mahalaga na single ang aplikante.

Sa ating batas sa Pilipinas, matatawag na single ang isang tao kapag hindi pa ito naikakasal kahit kanino man. Sa mga kaso na divorced, matatawag ang isang tao na unmarried. Ngunit sa kaso naman ng annulled, maaaring matawag na single.

PAANO KUMUHA NG CENOMAR?

Maaaring kumuha ng CENOMAR via online, sa mga SM Business service centers  o dumiretso mismo sa Philippine Statistics Authority (PSA).

I-click ito ‘PSA SERBILIS’ upang malaman ang pinakamalapit na PSA sa inyong lugar. 

Para sa mga walk-in, kailangan mo ng dalawang valid ID, kung iisa lamang ang inyong ID ay kailangan niyo itong ipa-photocopy. 

Nagkakahalaga ang CENOMAR ng P210 as of 2020. Maaari niyo itong makuha sa parehong araw o sa susunod na araw. 

Para sa online, nagkakahalaga ito ng P465 as of 2020. Maaari kayong magbayad gamit ang: Visa, Mastercard, Bancnet ATM, Globe Gcash, ECPay at 7-Eleven, at over-the-counter sa lahat ng Metrobank at Security Bank.

Ang delivery ng inyong CENOMAR ay umaabot ng 3-9 business days pagkatapos niyo itong bayaran. Kapag idedeliver naman sa ibang bansa ay umaabot ito ng 6 to 8 weeks pagkatapos mabayaran.

Para sa SM Business service centers, nagkakahalaga ang CENOMAR ng P235 as of 2020. Makukuha ito sa loob ng 7 araw at maaari mo rin i-request na ideliver ito sa inyo ngunit may karagdagang bayad.

Narito ang mga detalyeng kailangan upang makakuha ng CENOMAR:
  1. Buong pangalan ng aplikante
  2. Buong pangalan ng tatay at nanay ng aplikante (Note: Apelyido na iyong ina noong siya ay dalaga pa
  3. Petsa ng kapanganakan ng aplikante
  4. Lugar kung saan ipinanganak ang aplikante
  5. Address ng aplikante
  6. Kung ilang kopya ang kailangan
  7. Kung saan gagamitin ang CENOMAR
Narito ang isang sample ng CENOMAR:


***
Source: PSA

No comments:

Post a Comment