Sabi nila, ang edukasyon ay kayamanan na hindi maaaring kunin sa atin ninoman. Ito rin ang pinakamagandang kayamanan na maibibigay natin sa ating mga anak.
Ngunit, nakakalungkot dahil hindi lahat sa atin ay may kakayahang makapag-aral. Kahit na mayroong mga scholarships na ibinibigay sa atin ang gobyerno, hindi parin ito sapat upang matustusan ang pang araw-araw na gastuhin at bayarin sa eskwelahan.
Subalit, ayon sa kasabihan na “if there is a will, there is always a way.” Para sa isang matandang lalaki, ang edukasyon ay hindi mahirap matutunan.
Sa isang Facebook post ng netizen na si Jun De Los Santos, ibinahagi nito ang larawan ng isang matandang lalaki na araw-araw pumupunta sa malapit na eskwelahan at nagsusulat ng ‘notes’ ng kahit na ano mang kanyang matututunan.
May dala dala ang matandang lalaki na notebook at lapis upang maisulat ang kanyang mga dapat mapag-aralan. Kwento ng ilang estudyante, nagtatanong pa umano ang lalaki sa kanila kung meron silang klase kinabukasan upang makabalik siya at mag-aral ulit.
Maraming netizen ang humanga sa matandang lalaki. Lalo na sa panahon ngayon dahil maraming mga estudyante ang hindi marunong magpahalaga sa pag-aaral.
Sa ngayon ay umabot na sa 7.9k reactions at 5.2k shares ang post ni De Los Santos. Umaasa ang ilang netizens na umabot sa principal o sa eskwelahan ang kwento ng matandang lalaki upang kahit papaano ay matulungan nila ito.
Narito ang buong post ni De Los Santos:
***
Source: Jun De Los Santos | Facebook
God Bless po tatay
ReplyDeleteGod bless po kuya.🥰
ReplyDeletelaban lang kuya may panginoon
ReplyDeleteGod bless tatay❤️
ReplyDeleteAng galing talaga tatay
ReplyDeleteGod bless po
ReplyDeleteito dapat ang binibigyan ng librwng education saludo ako sa tatay na ito buti pa siya hindi nag rarally. free education those who deserves it
ReplyDeleteSana man lng po mapansin ito ng school admin. Matulungan. Hnd nmn sya nakakagulo. Gusto nya lng din mtuto. God bless po
ReplyDelete