Saturday, February 29, 2020

Netizen nagreklamo dahil sa pangho-hold ng Mercury Drugstore sa gamot na "TOP SELLER" umano

Nakakasiguro na gamot ay laging bago.” Ito ang sikat na tagline ng Mercury Drugstore, isang pharmacy chain sa Pilipinas. Ito ang kilalang takbuhan ng mga Pilipino tuwing kailangan nila ng gamot.
Imahe mula Google at Facebook post ni Maricel Cocjin

Ngunit isang netizen ang hindi napigilang maglabas ng sama ng loob dahil sa kanyang hindi magandang karanasan sa isang branch ng Mercury Drugstore.

Sa kanyang Facebook post, ikinuwento ni Maricel Cocjin ang ginawang pangho-hold ng Mercury Drugstore sa gamot na binibili niya para sa kanyang asawa na nagkaroon ng kidney transplant.

Ayon kay Cocjin, una siyang pumunta sa Mercury Drugstore Promenade branch upang bumili ng RYZODEG, isang injection para sa mga may sakit na diabetes. Isang lalaking pharmacist ang nag-assist sa kanya ngunit nang bebentahan na siya ay narinig niyang sinabihan ito na “Top Seller Yan.” Pagbalik ng lalaki ay sinabi kay Cocjin na “Wala na daw Stock” ang gamot na binibili niya.

nung knuha n order ko narinig ko c ate girl "TOP SELLER YAN" sabi nya sa nag assist ng order ko.. maya2 bumalik si kuya pharmacist "WALA NA DAW STOCK" sabi ko kung pde itawag sa kabila..maya2 bumalik WALA DIN DAW. parang pakiramdam ko parang hindi totoo sinasabi nila..,” kwento ng netizen.
 Imahe mula sa Facebook post ni Maricel Cocjin

 Imahe mula sa Facebook post ni Maricel Cocjin

At dahil duda si Cocjin sa sinabi sa kanya ay sinubukan niyang pumunta sa ibang branch ng Mercury Drugstore. Muntik nanaman siyang hindi bentahan dahil sinabi umano na “Naka hold” ang gamot na binibili niya. Dito na nagalit si Cocjin.

Narito ang buong post ng netizen:

“Akala ni Cocjin ay makakabili siya ngunit sinabi sa kanya na “wala na daw stock.”

SHOUT OUT SA MERCURY QPLAZA LALO NA SA MERCURY PROMANADE!



Sana maging makatao kayo!!

May sakit ako nung araw na yun hanggang ngaun hindi pa ako magaling..hindi ako matahimik dahil sa ginawa nyo samin.. una pumunta ako sa mercury promanade bibili ako ng gamot, yung gamot ng asawa ko na injection para sa diabetes(RYZODEQ).nung knuha n order ko narinig ko c ate girl "TOP SELLER YAN" sabi nya sa nag assist ng order ko.. maya2 bumalik si kuya pharmacist "WALA NA DAW STOCK" sabi ko kung pde itawag sa kabila..maya2 bumalik WALA DIN DAW. parang pakiramdam ko parang hindi totoo sinasabi nila..
 Imahe mula sa Facebook post ni Maricel Cocjin

Ang ginawa ko nagpunta aq sa kabilang MERCURY Qplaza kahit sinabi nila na tinawagan n nila at wala din stock.. pagdating ko tinanong ko agad ang pharmacist kung meron ba silang RYZODEQ para kako bago ako kumuha ng number para pumila alam ko n kung meron ba o wala sabi "MERON" d hinintay ko matawag ang number ko, nun kukunin na ang order ko ni kuyang pharmacist narinig ng katabi nya sbi "NAKA HOLD YAN" dun na ako nag umpisang magalit.. ibig sabihin kahit may stock kung hindi pa ako nagalit HINDI NYO KAMI PAGBEBENTAHAN!!!! TAMA BA YUN???? Bakit kailangan nyong i Hold ang gamot???taz nun kinausap nyo ako dahil nakita nyo na nakuha na attention ibang mgamamimili sasabihin nyo yun ang memo s inyo? Iba2 ang dahilan nyo! Available ang rezodeq pero hinold ninyo dahil naging top seller sa araw na yun???kung oras na yun hindi ako nagalit hindi nyo kami pagbebentahan walang injection n magagamit ang asawa ko tataas ang sugar nya pwedeng maapektuhan bagong kidney nya.. yung vdeo yan yun bumalik aq s mercury promanade s galit ko binalikan ko ang manager pinamukha ko sakanya sinungaling sya dahil sinabi nya walang stock hinohold lang pala nila.pinost ko po ito para maging aware ang iba na pwede pala nilang gawin yun na kahit may stock sila pwede nilang i-hold..pano ang pasyente? Sabi may memo kung 22ong may memo ibig sabihin kahit ikutin ko buong mercury wala mabibilihan?? Dahil naka hold..hindi ako magagalit at magwawala kung ang dahilan out of stock pero yung marining ko na TOPSELLER, NAKAHOLD kahit sino siguro pagwawalaan kayo!!!

(Feb. 07,2020/ 06:22pm)

Panoorin ang video sa ibaba:



***

No comments:

Post a Comment