Marami ang nagulat ng malaman na ang 74 years old na si Lola Maria ay todo kayod parin upang buhayin ang kanyang pamilya. Hindi madaling kumita ng pera lalo na sa paraang ginagawa ng matanda dahil mahina na rin ang kanyang katawan.
Alam ni Lola Maria na ang bawat sentimo ay mahalaga para sa kanyang pamilya. Ang hanapbuhay ni Lola Maria ay ang pagsisid araw-araw sa ilalim ng dagat upang mamulot ng mga baryang tinatapon ng mga taong sumasakay sa Dalahian Ferry Terminal sa Lucena, Quezon.
Nakagawian na umano ng mga turista ang paghagis ng mga barya sa dagat upang makita ang mga katulad ni Lola Maria na sumisid sa dagat upang makuha lamang ang mga barya.
Bago pa sumikat ang araw ay pumupunta na si Lola Maria sa dagat gamit ang kanyang maliit na bangka. Kumikita siya ng P100-P200 araw-araw. Depende ito sa dami ng mga turistang nagtatapon ng mga barya.
Isa si lola Maria sa pinakamatandang maninisid sa kanilang lugar. Alam ni lola na mahirap ang kanyang trabaho dahil sa matanda na ito ay mahina na rin ang kanyang paningin, ngunit ang kanyang pamilya ay nakadepende lamang sa kanyang kinikita araw-araw.
Maging ang kanyang maliit na bangka ay marami ng butas at madalas nasisira.
Ayon kay lola, dati ay kasama nito ang kanyang asawang sumisisid sa dagat, ngunit hindi na nito kaya lumangoy kaya naiiwan na lamang ito sa kanilang bahay. Namamalimos rin umano ito sa kalye kapag hindi nakakasisid si lola Maria.
Ang ilan sa mga apo ni lola Maria ay tumutulong rin umano sa paninisid kapag walang pasok sa eskwelahan.
Ang kwento ni lola Maria ay nailabas na sa Front Row, isang documentary program na may pamagat “Mga Barya Ni Lola.” Maraming netizen ang naantig ang puso sa kwento ng matanda. Ang ilan sa kanila ay nagpaabot ng tulong upang matulungan ang pamilya ni lola Maria.
***
Source: The Life Feed
No comments:
Post a Comment