Monday, February 24, 2020

Mensahe ng bodyguard ni Sarah kay Matteo: "Wala naman po akong ginagawa sa inyo"

Nagbigay ng mensahe ang personal bodyguard ni Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli sa isang interview. Ayon kay Jerry Tamara, sinuntok umano siya ng aktor sa lalamunan.
Jerry Tamara at Matteo Guidicelli / Imahe mula Google

Sa live interview ng news anchor na si Raffy Tulfo sa News 5 Aksyon sa Tanghali, sinabi ni Tamara na handa siyang magsampa ng criminal case laban kay Matteo.

Nakiusap rin ito kay Matteo na sabihin ang totoong pangyayari.

Yung totoo lang po. Alam niyo at alam nung buong pamilya niyo na sinapak niyo ako sa leeg,” sabi ni Tamara.

Dagdag ni Tamara, humingi umano ng patawad ang ina at abogado ni Matteo sa kanya.

Yung attorney niyo pa po at si mommy niyo at yung isang bisita niyo humingi pa ng pasensya sa akin na nasapak niyo daw ako dahil sa galit.”

Hindi naman po pwede yun sasapakin niyo ako dahil galit kayo, wala naman po akong ginagawa sa inyo,” sabi ni Tamara.

Samantala, sa isang interview ng ABS-CBN News kay Matteo, itinanggi nito ang akusasyon ni Tamara. 

Wala akong sinuntok,” sabi ni Matteo.

Ayon naman sa Manager ni Sarah na si Vic del Rosario, hindi raw niya nasaksihan ang panununtok ni Matteo kay Tamara.

Kinausap rin daw nito si Sarah kinaumagahan pagkatapos ng kasal.

Wala siyang nakita at wala siyang alam na sinuntok daw ang bodyguard ni Matteo. So ayon kay Sarah, hindi totoo yun. Walang baril, walang lahat, wala siyang nadinig,” sabi ni Del Rosario.


***
Source: Latest Chika

No comments:

Post a Comment