Thursday, February 13, 2020

Enchong Dee hindi takot sa mga trolls matapos manindigan para sa ABS-CBN

Sa Twitter post ng aktor na si Enchong Dee, sinabi nito na hindi siya natatakot na maglaho ang kanyang karera sa industriya ng mga artista upang ipaglaban ang itinuturing niyang tahanan sa loob ng 15 taon na ABS-CBN.
Enchong Dee / Imahe mula Philippine Star

Ayon sa Kapamilya aktor, sinabi nito na malalagpasan umano nila kasama ang libo-libong empleyado ng ABS-CBN ang napipintong pagsasara ng malaking network. 

Dagdag ni Enchong, ang usapin sa franchise renewal ng ABS-CBN ay hindi lamang isyu ng trabaho kundi isyu rin ng pagiging Pilipino na nakikipaglaban para sa demokrasya at Konstitusyon ng bansa.

Sinabi rin ni Enchong na handa siyang atakihin ng mga bashers matapos ang kanyang statement ngunit maninindigan umano siya sa kanyang paniniwala.


***

No comments:

Post a Comment