Tuesday, March 31, 2020

CEO nilabag ang panuntunan ng isang super-exclusive subdivision upang hikayatin ang mga kapitbahay na tumulong

Isang mayaman na businessman ang nag viral sa social media matapos nitong labagin ang panuntunan ng isang super-exclusive subdivision sa Pasig City.
Francis Leo Marcos / Screencap from his Facebook live video

Sa kanyang Facebook live, ipinakita ni Francis Leo Marcos, CEO ng Marcos Group, ang kanyang bahay at mga ilang magagarang sasakyan.

Ipinakita rin niya ang naglalakihan at tila mga mansion ng kanyang mga kapitbahay.  



Ayon kay Marcos, ang kaharap ng bahay niya ay pagmamay-ari umano ng isang politiko na maraming ipinangako sa kanyang mga kababayan ngunit wala namang nagawa.

Ginamit ni Marcos ang kanyang sasakyan upang maglibot sa kanilang subdivision at bumubusina upang magising ang kanyang mga kapitbahay.

“Hoy gising kayo diyan, tulong tayo sa mga kababayan natin, tulong na, tulong na, tulog tulog kayo,” sabi ng businessman.

Aniya, labag umano sa panuntunan ng subdivision ang kanyang ginagawang pag-iingay. Ngunit ginawa niya ito upang kumbinsihin ang kanyang mga kapitbahay na tumulong.



Dagdag nito, kakausapin niya ang admin sa subdivision nila upang maglabas ng memorandum na nagsasaad na kailangan nilang tumulong sa mga taong apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Marcos, lahat ng nakatira sa kanilang subdivision ay mga elitista at bilyonaryo.

“Para sa mga kapitbahay ko dito sa subdivision, para sa akin makasarili kayong lahat, kayong mga hindi tumutulong sa ating mamamayan,” sabi niya.

“Violation po yung aking ginawa na businahan ko yung mga bahay bahay para gisingin sila, pero wala po akong pakialam,” dagdag nito. 

Bago matapos ang kanyang video, sinabi ni Marcos na karamihan sa kanyang mga kapitbahay ay wala talagang pakialam sa mga tao dahil wala umano silang makukuhang kapalit.



“They’re don’t after political power, they’re  after for economic gain, yun po yung totoo niyan, if they can sabotage the economy they will because they’re big player” sabi ni Marcos.

Si Marcos ay nakilala sa social media matapos nitong magsagawa ng mga tulong sa mga taong nangangailangan sa gitna ng krisis na kinakaharap ng ating bansa.

Panoorin ang kanyang video:




NOTE: Update your Google Chrome browser if the video does not play


***
Source: PinoyTrend

18 comments:

  1. Nanghingi lang naman kasi sya nh Avocado, wala naman syang nagising na kapitbahay.

    ReplyDelete
  2. Godbless.. kerebels lang yan sir

    ReplyDelete
  3. Pagtumutulong at kumikilos para makatulong yun pa ang napapasama...sana kahit kalahati ng mga mayayaman na nakatira dyan gayahin sya..maging matulungin s mga nangangailangan..Godbless you more sir francis leo marcos..

    ReplyDelete
    Replies
    1. TOTOO ka... Lumabag Kung lumabag na PERO Ang bottom line TUMULONG Sana ndi Ito pansinin NG authority dhil SA kapit NG ibang MAYAMAN POLITICIAN or MAYAMANG MAMAMAYAN NA NDI MKATULONG MABUHAY KA SIR FRANCIS LEO MARCOS GODBLESS

      Delete
  4. challenge accepted sir. God Bless you sir

    ReplyDelete
  5. Wag po kayo masyadong maniwala sa taong ito. Marami pong naloko yan na mga military retiree at business man. Ipinagkatiwala po ung kanilang retirement pay or hihikayatin nyang mag invest pra kumita ung mga tapos nun hindi na po sya nagpakita. Kung yumaman man po sya, likely, dahil madami nang naloko. At marami pang lolokohin yan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung totoo man yan bkit di k magsampa ng reklamo laban s knia? For now wala ko mkita msama s pagtulong nia pakitang tao man yun o hindi ang mhlaga nkktulong xa

      Delete
    2. Tama itong vigilantes ba nito NAKATULONG BA CYA? Ingit lng nya... Magnanakaw or masamang Tao man Ito AT LEAST NGAYUN PINAKITA NYA TINULUNG NYA... Ala ROBIN HOOD BA dba...

      Delete
  6. Sa mga pasikat na pang lilibre at pang dodonate po nya na dale yung mga tao na maniwala sa kanya. Yung mga ibang naloko nito inatake na sa puso at namatay ng dahil sa na scam ng taong ito.

    ReplyDelete
  7. Godbless po sa inyo sir๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™ sana lahat ng mayayaman maging katulad nyo po๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ hirap na hirap na po kami...kamamatay lang po tatay ko nung december๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ october po nagsimula kami pagamot tatay ko stage4b cancer๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ nagkada utang utang po kami naisanla po namin titulo po ng lupa namin๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ100k sa pagpapagamot palang po...hindi pa po kasali pera po nakuha ni tatay nung nagretire po xa...tas namatay po december tatay ko po nakautang nanaman po kami 100k po sa service po at paglilibingan po๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ tapos ngaun po covid 19 tigil pasada tricycle driver po asawa ko๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ kaya sobrang hirap po..d ko po alam kung saan po kami kukuha pang araw araw at buwanang interes po sa nautang po namin๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ kaya saludo po ako sa inyo na tumutulong po sa sitwasyon po ngaun๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™

    ReplyDelete
  8. madaling magsabi ng ganyan. dapat may proweba na nagkakaso sya galing korte para maging legit ang sinasabi mo...

    ReplyDelete
  9. sir francis marcos mabuhay ka po. isa ka pong meseias na hinulog ng langit. sana po dumami pa po kaung mga tao kagaya nyo. grabe kinilabutan ako habang pinanunuod ko ang video nyo. pakiramdam ko. ikaw ang sagot sa mga tanong na. sino at kelan dadating ang mesias sa mundo. ������ god bless u and your family.

    ken from talipapa novaliches qc.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama Ken kahit ako Nung una nya Yan ginawa... Tumulo luha ko na maganda Ang maisip nya pack lunch para mkakain Ang Tao.. ngayun sako sako ba Ang pinaminigay mabuhay ka SIR FRANCIS LEO MARCOS GODBLESS YOU

      Delete
  10. minsan kung sino pa talaga ang may ginagawang mabuti sa kapwa siya pa itong nagiging masama..

    ReplyDelete
  11. god bless para kay sir francis leo marcos long life para marami pa matulungan na poorest of the poor..

    ReplyDelete
  12. Sir Leo Marcos, day 1to day 3 napansin ko may pagbabago sa mga pangangalampag mo. Today good friday mas na inspired rin ako to continualoly pray for you. Yes tuloy tuloy mo ang magandang adhikain, but huwag na huwag mong sirain ang pagtitiwala namin sa yo, pass is pass huwag na po kayong bumalik sa dati, Kahit Robinhood po ang tawag sa inyo but hindi namin pakinggan dahil tumulong po kayo sa mga mahihirap, Salamat po sa inyo Sir Francis L. Marcos

    ReplyDelete