Tuesday, March 31, 2020

Gumaling na 83-anyos na lola, may mensahe sa kapwa senior citizens at kay Pangulong Duterte

May mensahe sa kapwa niya senior citizens ang isang 83-anyos na lola sa Sta. Rosa, Laguna na gumaling mula sa Covid-19. 
Patient 3 and President Rodrigo Duterte / Composite photos from GMA News and Presidential Communications

Tila nagbigay ng pag-asa sa mga may edad si lola dahil siya ang itinuturing na pinakamatandang gumaling sa naturang virus sa bansa. May mensahe rin si lola kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ulat ng GMA News “24 Oras”, labis ang tuwa ng mga health workers sa ospital kung saan inasikaso si patient 3. 



"'Wag po nila (senior citizens) isipin na mawawalan na sila ng pag-asa dahil po ang Diyos ay hindi natutulog,” saad ni lola.

Nang tanungin ang matanda kung ano ang pumasok sa isip niya noong nalaman niyang magaling na siya, sagot ni lola, “ako po ay nagdiwang sa loob ng aking kuwarto. Hindi ko alam kung ako ba ay sasayaw o hindi.”

Nagpasalamat din si lola sa mga doktor at nurse na tumulong sa kaniya.

“‘Wag po kayong magsawang tumulong. Kayo po ang aming gabay. Kayo po ang mag-aalaga sa amin,” sabi niya.

Naging susi umano sa kanyang paggaling ang mga dasal, pagmamahal at suporta ng kaniyang pamilya at ng lokal na pamahalaan ng Sta. Rosa.



Nagbigay din ng mensahe si lola kay Pangulong Duterte.

Presidente Duterte, ‘wag po kayong magsawang tumulong sa mga Pilipino. Labanan natin ang COVID,” aniya ni lola.

Ayon naman kay Mayor Arlene Arcillas, si lola ay isang tunay na inspirasyon para sa mga may edad na.

Sinasabing ‘pag senior medyo delikado but then again, si nanay showed us na talagang kung susunod ka lang sa dapat gawin ay gagaling ka. Hindi kami bumibitaw dito,” sabi ni Arcilla.

Sa buong bansa, ang bilang ng kaso ng COVID-19 ay umabot na sa 2,084 with 88 deaths and 49 recoveries.

Panoorin ang video ng GMA News:




***
Source: Balitambayan

No comments:

Post a Comment