Wednesday, April 1, 2020

Open letter kay Sen. Villar mula sa ama ng isang nurse

Taong 2013 sa isang senatorial forum, naging kontrobersyal ang sinabi ni Senator Cynthia Villar na hindi na kailangang tapusin ng mga nurses ang kanilang degree dahil gusto lang naman nilang maging “room nurses” sa ibang bansa.
Senator Cynthia Villar

“Actually, hindi naman kailangan ng nurse na matapos ang BSN (BS Nursing). Kasi itong mga nurses, gusto lang nilang maging room nurse,” sabi ni Villar.

Samantala, isang Facebook post mula sa ama ng isang nurse ang viral ngayon sa social media matapos nitong magsulat ng open letter kay Villar.



Patungkol ito sa naging pahayag ng senator noong 2013.

Ayon sa post ni Embong Evagelista Vitero, ipinaalala niya kay Villar ang sama ng loob ng mga taong nasaktan sa naging pahayag nito noon.

Ipinaalala ni Vitero kay Villar ang hirap at sakripisyong ginagawa ng mga nurses ngayong panahon ng krisis sa buong mundo.

Tinanong din ng netizen ang senadora kung ano ang ginagawa nitong tulong para sa ating mga kababayan.

May ginawa ka bang tulong kahit man lang magbigay sa mga kababayan mo ng 1 kilong bigas at 1 latang sardinas upang kahit papaano ay malamnan ang kumakalam nilang tiyan?

Sa huli ay tila sarkastikong sinabi ni Vitero na “Sana ay makatulog ka pa ng mahimbing at tumagal pa ang buhay mo hanggang sa ika Isang daan at limampu mong kaarawan.”



Narito ang buong post:

"Open letter to Sen. Cynthia Villar,

Hello Madamè, naalala n'yo pa po ba ito? Naalala n'yo pa ba kung paano ninyo minaliit ang kakayahan at kapasidad ng ating mga Nurses?

Siguro naman po ay hindi ninyo yan makakalimutan. Dahil yan ang araw na nadama mo ang pagkamuhi ng lahat ng mga Pilipinong Nurses sa bawat panig ng mundo dahil lang sa hindi mo pinag-isipang pahayag laban sa kanila.

Ngayon pong dumaranas ng krisis ang Pilipinas maging ang buong mundo, nasaan na po kayo? Nagsu-survey po ba kayo ng mga bukirin na pwedeng pagtayuan ng subdivision o sitting pretty sa inyong palasyo habang panay ang spray ng alcohol sa buong katawan maliban sa leeg mo na walang nakakakita?

Alam n'yo po ba kung nasaan naman ang mga Nurses natin na sa tingin mo ay gusto lang maging "room nurses"?

Nandoon po sila sa unang hanay ng mga pilit lumalaban sa isang salot na virus na hindi nila nakikita. Nandoon sila sa unang hanay na kahit may takot sa kanilang dibdib ay hindi ipinagkait ang kani-kanilang mga sariling kaligtasan mapigilan lamang ang pagkalat ng kinatatakutang COVID 19 na ito.

Nandoon sila sa unang hanay na kahit alam nilang mas una silang pwedeng maging casualty ng digmaang kanilang sinusuong at ang pangamba para sa kaligtasan ng kanilang pamilya ay pikit matang pinaninidigan ang sinumpaan nilang tungkulin habang ikaw ay nananatiling ligtas sa iyong kinaroroonan at kumakain ng masasarap.

May ginawa ka bang tulong kahit man lang magbigay sa mga kababayan mo ng 1 kilong bigas at 1 latang sardinas upang kahit papaano ay malamnan ang kumakalam nilang tiyan?
Marami ka ng atraso sa bayan Madamè. Sa mga Nurses, mga Teachers at sa mga magsasaka.

Sana ay makatulog ka pa ng mahimbing at tumagal pa ang buhay mo hanggang sa ika Isang daan at limampu mong kaarawan.

-Ama ng isang Frontliner-
-Ama ng Isang Nurse-“

Dati ng humingi ng paumanhin si Villar sa kanyang naging pahayag.

Taos-puso po akong humihingi ng paumanhin sa lahat ng mga nurse at kani-kanilang pamilya na labis na nasaktan sa aking kasagutan sa tanong na ibinato sa akin sa isang programa sa TV,” sabi nito sa kanyang Twitter.


***

No comments:

Post a Comment