Wednesday, April 1, 2020

Angel Locsin ipinagtanggol si Mayor Vico Sotto laban sa NBI Anti-Graft Division

Angel Locsin and Pasig Mayor Vico Sotto / Composite photos from CNN Philippines and PEP

Ipinagtanggol ng Kapamilya aktres at philanthropist na si Angel Locsin si Pasig City Mayor Vico Sotto matapos maglabas ang National Bureau of Investigation (NBI) ng direktiba na imbestigahan kung mayroong nalabag ang Mayor sa Bayanihan to Heal As One Act.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Angel na dapat raw ay si Senator Koko Pimentel ang imbestigahan at hindi si Sotto.



Hindi ako nag mamarunong sa batas, pero sa opinyon ko, si Koko ang dapat ipatawag at hindi si Vico,” sabi ng award winning aktres.


Matatandaang naging mainit na balita ang ginawang paglabag ni Pimentel sa ipinatutupad na enhanched community quaratine sa buong bansa.

March 17, sa kanyang Facebook account ay sinabi ni Sotto na pinayagan niya ang mga tricycle drivers sa Pasig na bumyahe upang mayroong magamit ang mga health workers at ang mga nagtatrabaho sa mga essential services.

Ito ay ginawa niya bago maipatupad ang Bayanihan to Heal as One Act noong March 24, 2020.


***

No comments:

Post a Comment