Sunday, March 22, 2020

Chel Diokno: 24-hour curfew labag sa Konstitusyon

Human Rights Lawyer Chel Diokno / Imahe mula ABS-CBN News

Inalmahan ni Human Rights Lawyer at dating senatorial candidate sa ilalim ng Otso Diretso, na si Chel Diokno ang ipinatupad na 24-hour COVID curfew ordinance sa Muntinlupa City upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19 sa nasabing lungsod.

Sa kanyang Twitter account, inilahad ni Dioko ang kanyang pagtutol sa ginawang ordinansa ng Muntinlupa.



Siyempre nakikiusap tayong manatili lahat sa bahay, pero labag na sa Konstitusyon ang ordinansang ito. Ang ‘24-hour curfew’ ay outright denial of the right to travel and freedom of movement,” sabi ni Diokno.

At ayon sa Comprehensive Juvenile Justice Act, bawal patawan ng penalty ang mga minor para sa curfew violation. Dapat dalhin sila sa kanilang bahay o i-turn-over sa kanilang magulang,” dagdag ni Diokno.



***

No comments:

Post a Comment