Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon ng 18 katao ang gumaling mula sa sakit na Covid-19.
Imahe mula Rappler
Sa isang press briefing kay Health Undersecretary Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire, nadagdagan ng lima ang naka-recover at apat rito ay mga senior citizens.
"Ito po ay napakagandang balita sa ating lahat amidst of all these fear, confusion, and amidst this crisis," sabi ni Vergeire.
"Meron po tayong limang recoveries, apat sa kanila ay nakakatanda...Ito ay napakalaking gift para sa ating lahat... na may naka-recover po na ating mga kababayan at sila ay kasama sa vulnerable population natin,” dagdag niya.
Kinilala ang mga ito na sina PH16, PH17, PH41, at PH49.
Sina PH16 at PH17 ay mag-asawa mula sa San Juan City.
Ang lalaki ay 70 taon gulang habang ang kanyang asawa naman ay 69. Nakumpirma ang kanilang sakit noong March 9 at na-discharge noong March 19. Parehas silang may hypertension.
Si PH41 naman ay 75-year-old na babae mula Makati City ay may travel history sa USA. Nakumpirma ang kanyang sakit noong March 11 at na-discharge noong March 17.
Si PH49 na 72-year-old ay mula Batangas City, meron din itong hypertension. Nakumpirma ang kanyang sakit noong March 11 at sinabing delikado ang kanyang kalagayan.
Subalit noong March 21 ay na-discharge na ito bilang “asymptomatic with two negative results."
***
Source: PEP
No comments:
Post a Comment