Nag-viral sa social media ang ibinahagi ng netizen na usapan nila ng kanyang inang isang health worker patungkol sa kung papaano ito pumapasok araw-araw sa East Avenue Medical Center.
Alicia Arcaya / Imahe mula sa kanyang Facebook account
Sa Facebook post ni Alicia Arcaya, ibinahagi niya ang naging usapan nila ng kanyang ina na araw-araw ay pumapara ng mga pribadong sasakyan upang makiusap na isabay ito.
Ayon kay Alicia, tatlong oras umano ang inilalaan na oras ng kanyang ina sa pag-aabang ng sasakyan. Umaabot din umano sa 16hours ang trabaho nito at wala pang kasiguraduhan kung papasok ang kapalitan nito.
Ayon sa ina ni Alicia, bukod sa private car, minsan ay motor ang nasasakyan niya. Hindi na raw iniisip ng kanyang ina kung may masasakyan ba siya o wala.
“Ang nasa isip ko kelangan kong pumasok, kelangan ko makarating ng ospital kasi walang ibang magdu-duty. Sa totoo lang nakakapagod. Pero kelangan kasi ang daming pasyenteng nangangailangan.” sabi ng kanyang ina.
Sobrang proud naman si Alicia sa ginagawang sakripisyo ng kanyang ina.
Sa huli ng kanyang post ay nakiusap si Alicia sa mga netizens na bigyan siya ng mga contacts kung saan pwedeng kumuha ng face mask at alcohol.
“So guys I need your help. Please refer to me your contacts for face mask and alcohol supplier. ðŸ˜ðŸ˜ And, if you know someone na grab driver na pwede maghatid sundo sa mother ko. Kindly send me a message. THANK YOU IN ADVANCE!!!”
Sa ngayon ay umabot na sa 66k reactions at 14k shares ang post ni Alicia.
Basahin ang buong post ni Alicia sa ibaba:
“My mom is working in East Avenue Medical Center.
Since di kami magkasama sa bahay kinamusta ko sya on how she goes to work given na walang public transpo.
Me: “Ma, pano ka nga pala pumapasok everyday?”
Mama: “Pumapara ‘ko ng private car then pag huminto pinapakita ko ID ko tas sinasabi ko medical staff ako baka pwede makisabay.”
Me: “Ha? Buti may mababait na nagpapasakay.”
Mama: “Oo naman. May humihinto naman. Nung nakaraan nga motor eh buti may dala syang extra helmet.”
Me: “Dito ka muna samin para mas malapit. Hanap din ako pde irent para service mo.”
Mama: “Okay lang, kaya ko pa naman. Tska exciting! Everyday iba iba nasasakyan ko. Minsan private car, tapos motor. Eh kahit truck pa nga yan basta makapasok.”
Me: “Pano kung walang magpasakay?”
Mama: “Di ko iniisip na wala akong masasakyan. Ang nasa isip ko kelangan kong pumasok, kelangan ko makarating ng ospital kasi walang ibang magdu-duty. Sa totoo lang nakakapagod. Pero kelangan kasi ang daming pasyenteng nangangailangan.”
And our kwentuhan went on.
Hayyy!!! SOBRANG NAKAKAPROUD!!! Imagine para di ma-late, 3 hrs before shift nya nagaabang na daw sya sa sakayan ng masasabayan. She renders 16hrs straight shift without assurance na kinabukasan makakapagpahinga sya kasi baka di makapasok kapalitan nya. And take note, UBOS NA FACEMASK SUPPLY NILA! BRING YOUR OWN ALCOHOL DIN.
So guys I need your help. Please refer to me your contacts for face mask and alcohol supplier. ðŸ˜ðŸ˜ And, if you know someone na grab driver na pwede maghatid sundo sa mother ko. Kindly send me a message. THANK YOU IN ADVANCE!!!”
Umani ng papuri mula sa mga netizens at mga kaibigan ni Alicia ang kanyang ina. Basahin ang kanilang komento sa ibaba:
***
Source: Alicia Arcaya | Facebook
No comments:
Post a Comment