Tuesday, March 24, 2020

Ginang arestado matapos pabayaang maglaro ang mga anak sa labas ng bahay

Arestado ang isang ginang mula Eastern Samar matapos nitong pabayaan ang mga anak na maglaro sa labas ng kanilang bahay kahit na ipinatupad na ang community quarantine.
Imahe mula RMN

Ayon sa report ng Philippine Daily Inquirer, si Amarissa Jayme, 28, mula sa bayan ng Salcedo ay ilang beses na umanong pinakiusapan ng kanilang Barangay Chairman na si Rosa Dalina na panatilihin ang kanyang mga anak sa loob ng kanilang bahay.

Imbes na sumunod si Amarissa ay sinigawan pa umano niya si Chairman at hinayaan ang mga anak na maglaro sa labas at magpakalat-kalat sa kalye.

Dito na tumawag ng pulis si Dalina upang arestuhin ang ginang.

Humaharap ngayon sa kasong ‘resisting and disobeying persons in authority’ si Amarissa at kasalukuyang nakakulong sa municipal police jail.


***
Source: Inquirer

No comments:

Post a Comment