Tuesday, March 24, 2020

Kahit lockdown! Pinoy janitor itinuturing na bayani dahil sa dedikasyon sa trabaho

Isang pinoy mula sa Italy ang itinuturing na bayani dahil sa ipinapakitang dedikasyon at sipag sa trabaho sa kabila ng kinakaharap na lockdown sa nasabing bansa.
Imahe mula Virtual Pinoy

Ang bansang Italy ay kasalukuyang nagpatupad ng lockdown dahil laganap na dito ang virus na Covid-19. 

Hindi naman alintana ni Lester Ramones ang banta sa kanyang kalusugan ng kumakalat na sakit sa buong mundo. Patuloy parin ang paglilinis niya sa Bologna Centrale railway station.

Si Lester ay mahigit labing-isang taon na umano sa Italy. Siya ay naging service crew muna ng McDonald’s bago naging janitor sa isang malaking railway station – ang Bologna Centrale railway station.

Ayon kay Lester, dalawang taon na umano siyang janitor sa nasabing railway station at hindi niya akalain na ituturing siyang isang bayani.
Imahe mula Virtual Pinoy

Si Lester ay nai-feature sa isang news site sa Italy matapos siyang interviewhin ng isang italian reporter patungkol sa ginagawa niyang pagdi-disinfect sa railway station.

Kwento ni Lester, nakakaramdam rin siya ng kaba at takot ngunit kailangan niyang gampanan ang kanyang tungkulin. Aniya, ang Milan, kung saan siya naninirahan ay ang unang lugar kung saan tinamaan ng virus. 

Unang ni-lockdown ang Milano dahil sa katigasan ng ulo ng mga Italyano. Ang titigas ho ng ulo, hindi sila naniniwala. Meron na ho na mga kaso ng COVID-19 dito sa Bologna, marami na rin. Umabot na ho ng isandaan,” sabi ni Lester.

Dagdag ni Lester, malaking tulong ang ginawang lockdown dahil wala na umanong tao sa railway station kaya mas ligtas na ang pakiramdam nila sa ginagawang paglilinis.

Ngunit sa darating na April 3, 2020 ay muli itong bubuksan kaya tila kinakabahan si Lester.
Imahe mula Virtual Pinoy

Hindi naman ho mahirap ang trabaho ko, ngayon lang dahil sina-sanitize namin ang lahat ng mga hawakan ng tao. Nag-spray kami ng mga disinfectant. Para sa akin, ngayong walang mga tao o pasahero, mas safe kami. Pero hindi namin alam ang mangyayari kapag nagbalikan ang maraming tao dahil magbubukas ang train station sa April 3,” aniya

Si Lester ay tubong Tarlac at dalangin nitong matapos na ang kinakaharap na crisis sa buong mundo upang makauwi at makapagbakasyon na siya sa Pilipinas.


***
Source: Virtual Pinoy

No comments:

Post a Comment