Umani ng papuri sa social media ang isang lalaking taga bili ng mga pangangailangan ng kanyang mga ka-barangay.
Kuya Fil / Larawan mula sa Facebook post ni Janine Maurice Humarang
Sa Facebook post ni Janine Maurice Humarang, ibinahagi niya ang kwento ni Kuya Fil na taga San Luis, Batangas.
Ayon kay Janine, noong una ay napakadami umanong tanong ng lalaki kaya medyo napipikon na siya. Ngunit ng lapitan niya ito ay tsaka niya lamang nalaman na siya pala ang piniling runner ng kanilang Barangay upang bumili ng mga pangangailangan.
Dala-dala ng lalaki ang listahan ng mga ibinilin sa kanya ng kanyang mga ka-barangay.
“At nung nakita ko nga yung mga listahan niya, ang nakakatuwa sari sari ang mga nakalista. Meron pang isang kilong pusit, karne, sardinas tinapay daw yung loaf bread, meron pang maintenance ng mga senior citizen. Meron mga pang vitamins ng mga bata. Gamot para sa basic na sakit ng ulo, sipon lagnat at ubo. At madami pang ibang kung ano ano,” kwento ni Janine.
Hindi napigilan ni Janine na humanga sa mga ka-barangay ni Kuya Fil dahil sa kanilang disiplina at pag-sunod sa utos ng gobyerno.
Sa ngayon ay umabot na sa 28k reactions at 9.8k shares ang post ni Janine.
Basahin ang buong post:
"Eto si Kuya Fil ng San Luis, Batangas. Ang dami dami niya tanong nung una. Nagsisimula na akong mapikon. Nung nilapitan ko siya, ang dami niyang listahan na nilalabas sa bag niya. Tupi tuping papel.
Tinanong ko siya, “Kuya ano bang bibilin mo talaga? Ano ba yang mga yan?” Ang sagot niya sakin:
“Te, pasensiya ka na ako kasi taga bili ng barangay namin. Ako ang runner kaya ang dami. Isa lang ang napag usapan naming lalabas at ako yun ate.”
Biglang lambot ng puso ko...
“Ha? Eh pano yang mga papel na yan binibigay sayo?”
“Hindi te, dadaan lang ako sa bahay bahay nila at nakalista na mga kailangan nila bilin dito sa bayan.”
At nung nakita ko nga yung mga listahan niya, ang nakakatuwa sari sari ang mga nakalista. Meron pang isang kilong pusit, karne, sardinas tinapay daw yung loaf bread, meron pang maintenance ng mga senior citizen. Meron mga pang vitamins ng mga bata. Gamot para sa basic na sakit ng ulo, sipon lagnat at ubo. At madami pang ibang kung ano ano.
Sabi ko sa kanya, “gusto mo ba pagbukod bukodin natin ng supot at bayad para madaling ibigay at suklian?”
“Di na te, okay lang yan mababait naman tao dun.”
Sana sa panahon ngayon ganitong mga klaseng disiplina at pagkakaisa ang kailangan natin. Pag sinabi nilang lockdown at sa bahay lang, sa bahay lang talaga. Napaka huhusay ng mga ganitong tao, hindi nagiging hadlang ang mga sinasabing basic necessities nila para sumunod sa simpleng instruction lang.
May God bless you more and your barangay Kuya! Sigurado ako, ligtas kayo sa sakit. ❤️"
***
God bless u mr.Fil..salamat sayo pero behera na ang kagaya mo kasi More power sayo again God bless
ReplyDeleteGood job Sayo kuya...
ReplyDelete