Nanawagan si Bayan Muna Chairman Neri Colmenares sa Manila Electric Company (Meralco), Manila Water at Maynilad na huwag ng singilin ang taong bayan habang ipinapatupad ang Enhanced Community Quarantine sa bansa.
Bayan Muna Chairman Neri Colmenares / Photo credit to Rappler
Aniya, hindi sapat na ipagpaliban lamang ng Meralco at water concessionaires ang kanilang singil. Dapat raw ay i-waive na ang bayarin sa buwan nito.
“Panawagan sa Maynilad at Manila Water, hindi simpleng pagpaliban ng singil ang kailangan ng taong bayan ngayon. Ang kailangan bill waiver o lubusang hindi pagsingil sa tubig sa buwang ito habang may lockdown.”
“Paano nila mababayaran ang singil sa tubig. Naipon ng dalawang buwan sa Abril eh wala silang kita ngayon. Bilyon bilyon na yung kinita nyo sa mga proyektong siningil nyo katulad ng sewerage na hindi nyo naman pala ipinatupad. Bilyon bilyon narin yung kinita nyo sa income tax na pinasa nyo samin. Kaya panahon na siguro para sabihin nyo di lang pagpaliban kundi bill waiver o hindi pagsingil sa tubig ngayong buwan o habang may lockdown.”
“Ganun rin sa Meralco, bilyon bilyon ang kinita nyo sa interes ng bill deposit na hindi makatarungang siningil sa amin. May 29 billion pa kayong refundable dahil sa over charging or over recovering. Panahon na siguro upang ibalik ng Maynilad, Manila Water, at Meralco ang dambuhalang tubo nyo sa taong bayan sa nakalipas na maraming taon.” sabi ni Colmenares.
***
Source: Bayan Muna Party-list | Facebook
No comments:
Post a Comment