Human Rights lawyer Chel Diokno and Sen. Koko Pimentel / Mga imahe mula Philstar at GMA Network
Kinuwestiyon ni Human Rights lawyer Chel Diokno ang sinabi ng Department of Justice (DOJ) na “they will be tempering the rigor of law with human compassion” patungkol sa pagsuway ni Senator Koko Pimentel sa Covid-19 quarantine protocols.
Sa kanyang Twitter account, ikinumpara ni Diokno ang pagtrato sa pagitan ng senador at ng isang ordinaryong tao na lumabag sa protocol.
“Pag mahirap, kulong. Pag senador, compassion? Ang compassion e para sa mga may sakit at mga naghihirap, hindi para sa mga pulitikong sadyang nilagay pa sa peligro pati frontliners natin. Bakit pag ordinaryong tao, parusa agad? Pero kung big time, walang pananagutan?”
Pag mahirap, kulong. Pag senador, compassion? Ang compassion e para sa mga may sakit at mga naghihirap, hindi para sa mga pulitikong sadyang nilagay pa sa peligro pati frontliners natin. Bakit pag ordinaryong tao, parusa agad? Pero kung big time, walang pananagutan? https://t.co/Rz7CnX6fGV— Chel Diokno (@ChelDiokno) March 26, 2020
Ayon sa isang report ng Philippine Star, hindi umano iimbestigahan ng DOJ si Pimentel hanggang walang pormal na kasong isasampa.
“As I have said before, during abnormal times like these, when people are prone to commit mistakes or violations of the law, the DOJ will temper the rigor of the law with human compassion,” sabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra.
No comments:
Post a Comment