Sunday, March 22, 2020

DILG official: "Sana gamitin ng mga barangay captain at mga konsehal ang kanilang mga utak"

Nagalit ang isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa mga kumakalat na balitang naniningil umano ng bayad ang ilang barangay officials para sa quarantine passes, food stubs, at community IDs.
DILG Undersecretary Jonathan Malaya / Imahe mula CNN Philippines

Sa isang interview ng Super Radyo dzBB kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, sinabi nitong ang mga ganitong uri ng gawain ay illegal.

 "Sana gamitin ng mga barangay captain at mga konsehal ang kanilang mga utak. Sa panahong ito, nakadagdag pa sila sa problema ng Pilipinas kung hindi nila pag-iisipang mabuti ang kanilang mga ginagawa."

Dagdag ni Malaya, ang paniningil para sa mga quarantine passes, pagharang sa mga cargo trucks na nagdadala ng food supplies, at pagbebenta ng barangay pass IDs ay may kaukulang parusa.

"They are supposed to give assistance and not exact fees from people in need in the midst of the coronavirus disease 2019 (COVID-19) health emergency," sabi ni Malaya.

"I'll make this clear: Barangay officials have no authority to impose such fees and to set up checkpoints without coordinating with their mayors,” dagdag nito.


***

No comments:

Post a Comment