Saturday, March 21, 2020

Supporters ni Mayor Vico Sotto, binatikos si dating VP Noli De Castro

Nais ipasibak ng mga supporters ni Pasig Mayor Vico Sotto si dating Vice President Noli De Castro bilang isang newscaster ng ABS-CBN.
Pasig Mayor Vico Sotto at dating Vice President Noli De Castro / Mga imahe mula MSN at Wikiwand

Ito ay matapos magkomento ni De Castro sa pakiusap ni Sotto sa gobyerno na payagan ang mga tricycle na pumasada sa lungsod ng Pasig.

Pahayag ni Vico: "Nakikiusap po ako sa ating nasyonal na pamahalaan. Baka naman po puwedeng bigyan ng konsiderasyon yung tricycle. Hindi na po para sa tricycle driver, hindi na po para sa tricycle driver. Para po sa public health and safety. Dahil ako po, sa risk assessment na ginawa namin, kapag hindi po natin pinayagan ang mga tricycle, mas marami pong mamamatay."


Bago matapos ang ulat ng ABS-CBN news reporter na si Jeff Canoy, nagkomento si De Castro na may designated bus ang gobyerno para magamit na transpo ng iba't ibang lungsod ng Metro Manila.

Ayon kay De Castro, baka raw maging precedent sa ibang lungsod sa Metro Manila sakaling payagan ang pakiusap ni Mayor Sotto.

Baka hindi niya alam na bawal ang public transpo,” sabi ni De Castro.

Dahil sa naging komento ni Kabayan, tumanggap siya ng maraming batikos mula sa mga netizens. Mayroong mga gustong ipatanggal siya sa pagiging newscaster ng ABS-CBN.

Narito ang iba’t ibang komento ng mga netizens:













***
Source: PEP, Abante

No comments:

Post a Comment