Maraming personalidad ang nagpahayag ng kanilang suporta sa ipinatupad na community quarantine ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Metro Manila noong March 16, 2020.
Kung may mga sumuporta dito ay mayroon ding mga bumatikos at hindi natuwa dahil naaabala raw sila sa kanilang mga biyahe at sa pagpasok sa trabaho.
Dahil dito ay may mga celebrities na nagpahayag ng kanilang mga reaksyon para sa mga nagrereklamo.
Isa sa mga ito ay ang “The Voice” coach at broadway singer na si Lea Salonga.
“To those who are complaining about the quarantine period and curfews, just remember that your grandparents were called to war; you are being called to sit on the couch and watch Netflix. You can do this.”
Ibinahagi rin nina Maritoni Fernandez, at automotive journalist na si James Deakin ang mensaheng i-shinare ni Lea.
Hindi naman ikinatuwa ng film and television director na si Jay Altarejos ang ibinahaging mensahe ni Lea.
Sa kanyang Facebook post, tila ininsulto ni Jay si Lea dahil tila hindi raw nito alam ang kalagayan ng buhay ng mga maralita.
“Sabagay kung ang exposure mo nga naman sa kalagayan ng buhay ay MS SAIGON...Tangama, yung mga maralita ba may Netflix, may mga hi-nord na pagkain?” sabi ni Jay.
“Ne, di lang pala limited ang range ng boses mo, pati utak mo.” dagdag nito.
Sa ngayon ay burado na ang post ni Jay.
***
Source: PEP
Ipinagtanggol laang naman niya ang mga mahihirap at tama siya, hindi tulad ng mga may pera na walang alalahanin na magutom, kahit hindi magtrabaho. Pero ang quarantine ay siyang pinakamainam na solusyon at kung maari ay wala na munang kapitbahayan kahit sa mga nakatira sa bukid.
ReplyDelete