Sa tweet ni Mark Makalalad ng Super Radyo DZBB, isang doktor mula Cainta ang walang nagawa at napilitan na lamang maglakad matapos maipit sa traffic ang kanyang sasakyan sa checkpoint.
Ayon kay Dr. Eugenio, papunta siya ng Pasig City para sa brgy. Medical Clinic ngunit tatlong oras at kalahati na umano ang lumipas ay hindi parin siya nakakaalis kaya wala siyang nagawa kundi maglakad.
“Pupunta ako sa Brgy. Medical Clinic. Kailangan ako roon eh,” saad ni Dr. Eugenio.
“I-report niyo na ito. Three and half hours, andun kami. Alas singko [ng umaga], hindi kami makapunta rito,” dagdag niya.
Nagdeklara ng community lockdown si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes na naging dahilan upang ipahinto muna ang public transportation. Ito ang naging dahilan ng pagkumpol-kumpol ng mga motorista sa mga checkpoints.
WATCH: Isang doctor, hindi makapasok sa trabaho sa ospital dahil naipit sa checkpoint sa Eastbank Road sa Pasig; Hindi makadaan ang kanyang sasakyan dahil sa mabigat na daloy ng trapiko @dzbb @gmanews pic.twitter.com/MjRcluQJtk— Mark Makalalad (@MMakalalad) March 17, 2020
***
Source: GMA News Online
No comments:
Post a Comment