Sunday, March 15, 2020

Open letter ng isang pulis sa mga nagtatanong bakit pulis at militar ang kailangan sa community quarantine

Isang pulis ang nagsulat ng open letter para sa mga kritiko ng gobyernong nagtatanong bakit raw pulis at militar ang kailangan para sa community quarantine para labanan ang pagkalat ng Covid-19 sa buong bansa.

Ayon kay Julius Manalo, ang prisensiya ng mga pulis at militar ay kailangan para may kaayusan sa bawat pangyayari.

Ibinigay nitong halimbawa ang pagkakaroon ng sunog at baha. 

“Di po ba kayo nagtataka, pag me SUNOG, Bumbero tapos may pulis? Pag may BAHA, me rescuer at PULIS? Simpleng maligaw ka, MANONG PULIS? Pano po papunta sa ganto? AT kahit NUNG seaGAMES, kapiling nyo ang PULIS,” sabi ni Manalo.



Narito ang kanyang buong post:

“Open letter,

Marahil nagtataka kayo bakit me PULIS?? Sundalo?

Di po ba kayo nagtataka, pag me SUNOG, Bumbero tapos may pulis? Pag may BAHA, me rescuer at PULIS? Simpleng maligaw ka, MANONG PULIS? Pano po papunta sa ganto? AT kahit NUNG seaGAMES, kapiling nyo ang PULIS.

Hindi na kailangan i enumerate, at hindi maitatanggi na lahat ng galaw natin ay may PULIS na involve, dahil kung hindi nyo po alam ay kasama sa mission vission po namin yan, to maintain peace and “ORDER”, and also to make a “BETTER PLACE TO LIVE AND WORK”



Opo, kung walang mag babantay ng orderliness, pano gagampanan ng bumbero ang duty nila? Na kung me naghihimutok na aagaw ng HOSE ng tubig para unahin ang BAHAY nila. Pano gagamutin ng mga butihing doctor natin kung me aaway sakanila upang sila ang unahin, remember, PULIS, will maintain “order” orderliness, and we will make our place(community) for a better place to work and LIVE.

KAYA NAMAN SA BANTA NG COVID19, ay nandito ang mga PULIS(kasama ang afp). Kaya sana KUNG nabasa mo ito ay siguro naintindihan mo na.

PERO ayaw kong kalimutan, ang sabi sa mission namin, “with the active support of the community” OPO! Kasama po kayo, papano kayo makakasupporta? Sa impleng pag sunod lang. Ayos na po. Pag me quarantine pls follow, pag me curfew, pls follow, after all para po salahat ito.

At ika nga ng iba, trabaho NAMIN, pulis health workers, and other uniform personnels ang ginagawa namin, KAHIT HINDI PO KAMI PASALAMATAN ayos lang po. Hiling lang po namin, ay maisama man lang sa PANALANGIN, na sana magampanan namin ng mas maayos ang sinumpaang tungkulin. Maiwas kami sa kapahamakan, at lalong MAIIWAS SA VIRUS, para mas marami pa kaming mapag lingkuran.


DAHIL, may mga pamilya din kaming nag aantay saamin, magulang, asawa kapatid, at anak na uuwian, na nag sasabing tatay wag ka na pumasok, asawa ko mag hanap ka ng ibang trabaho nalang. Na nag aalala kagaya ninyo at ng pamilya nyo. Pero hindi, sumumpa kami at kailangan namin yun gampanan.

Pacenxa sa mahabang pag basa. Malalagpasan din natin to. Sa tulong at awa ng DIOS. Mabuhay tayong lahat.”


***

No comments:

Post a Comment