Thursday, March 5, 2020

Ice cream vendor, natagpuang walang buhay habang nakasakay sa kanyang motorsiklo

Likas sa mga magulang ang magsumikap upang maitaguyod at maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanilang pamilya. Marami silang tiisin, sakripisyo at hirap upang magkaroon ng maginhawang buhay ang bawat miyembro ng pamilya.
Larawan mula Suara Indonesia

Hindi nila alintana ang pagod at puyat, dahil makita lamang nila ang kanilang mga anak ay nawawala agad ang hirap ng maghapon nilang pinagdaanan.

Sa bansang Indonesia, nakakalungkot ang sinapit ng isang amang todo kayod sa pagtatrabaho at binalewala na lamang ang kanyang nararamdamang sakit.



Sa lugar ng Desa Ledokombo, East Jawa, Indonesia, natagpuan ang walang buhay na katawan ni Misyanto, 66-years-old, habang nakasakay sa kanyang motorsiklo.

Si Misyanto ay isang ice cream vendor.

Ayon sa report ng Suara Indonesia:

“Misyanto was found by Suwoco who wanted to cross the road but found Misyanto blocking the road with his head lying on the motorcycle handle. When Suwoco honked to get Misyanto’s attention, he started to notice that something was wrong and went to check but instead he found Misyanto’s still body.”

Napag-alamang sobrang pagod sa pagtatrabaho ang ikinamatay ni Misyanto dahil kailangan niyang magbenta ng ice cream para sa kanyang pamilya.

Ayon sa police investigation, wala umanong nakitang senyales ng pagpupumiglas mula kay Misyanto at wala umano itong nawawalang gamit. Hindi narin umano pumayag ang kanyang pamilya na magsagawa ang otoridad ng autopsy. 
Larawan mula Suara Indonesia

Subalit, nilinaw ni spokesman Iptu Sono ng Sumber Police Station, isang pagsusuri sa katawan ang ginawa ng medic team.

His family members said that he would always complain of having headaches and breathing difficulties. Yet, he insisted on going to sell his ice creams.”


***
Source: World of Buzz

No comments:

Post a Comment