Friday, March 6, 2020

Masipag na ice drop vendor, nakapundar ng computer shop, bagong sasakyan at apartment

Hinangaan ng mga netizens ang ice drop vendor na si Emmanuel M. Jamis mula Puerto Princesa na talagang ‘from rags-to-riches’ ang kwento ng buhay.
Emmanuel Jamis / Imahe mula sa kanyang Facebook post

Nag-viral sa social media ang kwento ni Emmanuel na tatlong dekada ng nagtitinda ng homemade ice drops.

Talagang maswerte si Emmanuel dahil mabenta ang kanyang panindang ice drop. Malapit umano siya sa isang elementary school kaya mga bata at matatanda ang madalas niyang customer.



Salamat sa kanyang sipag at tiyaga, nakapagpatayo siya ng isang paupahan na pinangalanan niyang EMJ apartment.

Mayroon narin umanong sariling tindahan at isang computer shop si Emmanuel.
 Emmanuel Jamis / Imahe mula sa kanyang Facebook post

Emmanuel Jamis / Imahe mula sa kanyang Facebook post

Ang mas nakakahanga ay nakabili narin si Emmanuel ng isang brand new Hyundai na sasakyan para sa kanyang ina. Kwento niya, matagal na umano niyang pangarap ang magkaroon ng sariling sasakyan.

Sa kanyang Facebook post,, ibinahagi ni Emmanuel kung papaano naging komportable ang kanilang pamumuhay dahil sa pagbebenta niya ng ice drops ng mahigit 30 years.



Share ko lang ang istorya ng aking homemade icedrop na mahigit tatlong dekada nang mabili sa mga bata dito sa lugar ko. Maswerte ako dahil tapat ako ng elementary school, napakalaki ng naitulong nito sa ekonomiya ko.”

Nakapagawa ako ng mga paupahan, computer shop, at tindahan at ngayon awa ng Diyos ang matagal ko nang pangarap ang magkaroon ng sasakyan. Salamat po Panginoon ng madami.


Hindi naman maiwasang magkomento ng mga naging customer ni Emmanuel at talagang ikinatuwa nila ang kwento niya.

Since highschool pa lang kami andyan na ung icedrop na yan. Walang katulad ang sarap at binabalik balikan…congrats inang”

“Legendary tlga ang ice drop ni kuya maning”

“Natouch nman ako,pwd paturo gumawa Ng ice drop para kahit papano mi maipon din ako at mabili ko Rin gusto Kong mabili”



“Yan ANG naka masarap na icerop ANG Kay inang hehehe at dahil SA icerop nakabili na sya Ng sasakyan heheheh congrats inang”

“Ilang dekada na po ang icedrop nyo. 

"Dati naalala ko po noong gradeschool dinudurog ko sya sa baso tapos lalagyan ng gatas. Yummy!”


***

No comments:

Post a Comment