Friday, March 6, 2020

Matteo at Sarah, pinapa-ban umano ni Mommy Divine sa kanilang subdivision

Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo-Guidicelli at Mommy Divine / Imahe mula PEP

Matapos ang kontrobersyal na pangyayari sa kasalang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, hindi pa natatapos ang iringan sa pagitan nila at ni Mommy Divine.

Ayon sa isang report ng Abante, hindi umano papapasukin at haharangin umano ng mga guard sina Matteo at Sarah sakaling pumasok ito sa St. Charbel subdivision kung saan nakatira sina Mommy Divine.

Siguro ay hindi parin napapatawad ni Mommy Divine sina Matteo at Sarah sa paglilihim ng kanilang kasal.

Ginanap ang kasalang Matteo at Sarah noong Pebrero 20 sa isang civil wedding.

Nag-trending din ang hashtag na #Mrs. Guidicelli dahil dito. Natuloy ang kasalan sa kabila ng “pakikialam” umano ng ina ni Sarah na si Mommy Divine.


***
Source: Abante

No comments:

Post a Comment