Monday, March 9, 2020

Scam ng networking company na Frontrow, ibinulgar ng dating miyembro

Ibinulgar ng dating miyembro ng networking company na Frontrow ang mga kalokohan o scam na nangyayari sa nasabing kompanya.
Dave Villanueva / Imahe mula Frontrow

Sa ‘Wanted sa Radio’ ni Raffy Tulfo, inireklamo ng ‘millionaire’s club’ na si Dave Villanueva ang Frontrow matapos hindi ibigay sa kanya ang pinaghirapang kita dahil nagkaroon ito  ng atraso sa isang babaeng miyembro na nasaktan nito.

Ayon kay Villanueva, nagkaayos na umano sila ng babaeng ka-miyembro niya at nagkaroon narin umano ng areglo sa barangay at sa harap ng abogado ng Frontrow.



Saad ni Villanueva, binayaran na niya lahat ng hospital bills at iba pang pangangailangan ng babae.

Kwento ni Villanueva, gusto na niyang umalis sa Frontrow at maghanap ng ibang trabaho ngunit pinigilan siya ng may-ari na sina RS Francisco at Sam Versoza. Malaki na raw kasi ang kinita nito at makakasama raw sa imahe ng millionaire’s club kapag umalis ito.

Ayaw po akong pag-resignin. Naghahanap na po ako ng trabaho kasi gusto kong masuportahan na yung pamilya ko kasi ilang buwan nang naka-forfeit yung tseke ko kaso nung nag-post po ako sa Facebook na marami na akong job offer, nag-post po yung may-ari ng company, hindi daw po ako kawalan,” sabi ni Villanueva.

Ayon kay Villanueva, forfeited na umano ang kanyang kita sa Frontrow. Aabot sa P100,000 noong Oktubre, at nasa P172,000 noong Disyembre ang kanyang dapat na kikitain pa sa Frontrow na hindi na ibinigay.



Maging ang mga hinuhulugan niyang sasakyan ay kinuha rin ng Frontrow. Isa raw ito sa mga modus ng kompanya. Ipapangalan umano sa Frontrow ang sasakyan at kapag umalis na ang miyembro ay babawiin din ito at sa ibang miyembro naman papahulugan.

Isang Montero at Ford Mustang ang hinuhulugan ni Villanueva kung saan nag-down siya ng P500,000.

Dagdag pa niya, hindi rin daw umano totoo na maraming miyembro ng Frontrow ang marangya ang pamumuhay. Karamihan daw sa mga ito ay nakiki-picture lang sa mga sasakyan para mas maraming mahikayat na maging miyembro.

Ibinulgar rin ni Villanueva kung papaano siya nilapitan ng may-ari ng Frontwork na si Francisco. Pinangakuan umano siya ng billboard dahil nag-viral at sumikat siya sa social media at TV matapos pumogi at gumanda ang kutis. Kwento nito, hindi raw dahil sa mga produkto ng Frontrow kaya nagbago ang kanyang itsura.

Dagdag pa niya, hindi raw siya binayaran para sa billboard. 1 year supply ng produkto lamang ang ibinigay sa kanya at sinasama siya sa mga international trip.



Sa tingin niyo napapakinabangan niyo ko kasi lumabas ako sa mga TV shows, yung treatment niyo sa’kin sobrang ganda. Ngayon wala na,” saad ni Villanueva.

Tigilan niyo na yung kahibangan niyo. Tinawagan ako ng owner niyo at gustong makuha ‘yung story ko.


***
Source: Abante

No comments:

Post a Comment