Tuesday, March 10, 2020

Ogie Diaz sa mga gustong ipasara ang ABS-CBN: “Ang nakikita mo lang ay yung tuldok sa isang malinis na papel.”

Sa napipintong pagsasara ng Kapamilya Network na ABS-CBN, naglabasan ang mga taong nagtatanggol dito at nagpapaliwanag na hindi ito dapat mawala dahil marami itong natutulungang mamamayan.
Ogie Diaz / Imahe mula Google

Isa sa mga todo dipensa at sumusuporta sa franchise renewal ng ABS-CBN ay ang comedian at talent manager na si Ogie Diaz.

Sa kanyang Facebook post, maraming itinanong si Diaz sa mga gustong ipasara ang nasabing network. 

Ayon kay Diaz, marami ang napasaya at natulungan ang ABS-CBN. Marami rin daw ang may pag-asang umahon sa hirap dahil sa Kapamilya network.



Dagdag pa ni Diaz, ipinaliwanag na umano ng ABS-CBN ang patungkol sa hindi nila pagbabayad ng tax.

Pero sasabihin mo sa akin, hindi iyon ang point? Ang point ay di nagbabayad ng tamang tax? Eh ipinaliwanag na nga sa yo, ayaw mo namang paniwalaan kahit yung BIR na mismo ang nagsabi, eh. Kahit nga sa iba pang isyu, nagpaliwanag na nga ang ABS, ayaw mo pa ring maniwala eh.”

Sa huli, tinawag ni Diaz na bingi ang mga ayaw makinig sa paliwanag ng ABS-CBN.

Narito ang kanyang buong post:

“Ikaw na gusto mong matuloy ang shutdown ng ABS-CBN, may tanong ako sa yo....

Ni minsan ba, di ka pinangiti ng mga palabas dito? Never ka bang nakiiyak, naapektuhan, naka-relate sa mga teleserye ng Dos?

Never ka bang natuwa kapag may tinutulungan ang Kapamilya network sa oras ng kalamidad?

Di mo ba nagustuhan ang pagtulong nila, pagresponde sa mga tao, pangangalap ng mga balita at impormasyong kailangan nilang malaman mo para ma-aware ka, maging alerto ka?

Di mo rin ba nagawang hangaan at palakpakan ang mga personalidad o artista sa tuwing magpe-perform na o umaarte na sa mga palabas ng network kasi napasaya ka nila?

Di ka ba natutuwa kapag may mga mahihirap tayong kababayan na nakikipagsapalaran at nananalo sa singing contest at iba pang pakulo ng It’s Showtime?

Alam mo ba, umpisa na yon ng pangarap nila? Na makaahon sa buhay? Na mailabas at maipagmalaki ang kanilang talento? Na mapasaya ang mga manonood? Di ka ba happy para sa kanila?

Kung hindi mo naramdaman ni minsan sa buhay mo ang ABS-CBN; na lagi kang pinalulungkot ng ABS-CBN; na hindi ka umase-asenso kasi lagi mong napapanood ang mga palabas ng ABS-CBN; na nasisira ang araw mo sa mga shows ng ABS-CBN; kung walang kwenta ang ABS-CBN sa yo, naiintindihan kita. Baka nga tama ka na isara na ang istasyong ito.

Pero sasabihin mo sa akin, hindi iyon ang point? Ang point ay di nagbabayad ng tamang tax? Eh ipinaliwanag na nga sa yo, ayaw mo namang paniwalaan kahit yung BIR na mismo ang nagsabi, eh. Kahit nga sa iba pang isyu, nagpaliwanag na nga ang ABS, ayaw mo pa ring maniwala eh.

Actually, hindi na nga hinihingi na maniwala ka, eh. Pakinggan mo lang ang magkabilang panig, happy na ang Kapamilya network. Kaso, ayaw mong ibigay ang tenga mo, eh. Bingi ka sa anumang paliwanag. Ang gusto mo lang paniwalaan ay yung gusto mo lang paniwalaan.

Ang nakikita mo lang ay yung tuldok sa isang malinis na papel.

Gusto ko lang sabihin sa yo, nobody’s perfect. Normal lang ang may problema sa pamilya. Normal din na may nag-aaway. Hindi ba pwedeng solusyunan? Hindi ba pwedeng pag-ayusin kung may nag-aaway? Dapat ba talaga, isumpa agad, dahil yun ang pinakamagandang solusyon?

Bakit di ka mag-suggest na ayusin kung may problema sa ABS kesa isumpa mo naman agad ang istasyon?

Suggest ka. Open naman kami diyan. Kaso, gusto mo agad, isumpa, eh.

Kaya ano na lang ang kaya kong ibigay sa yo ngayon dahil napaka-perfect mo at wala kang bahid-dungis?

Pang-unawa at dasal na sana, isang araw, magising kang pagkaunlad-unlad na ng buhay mo, dahil nagtagumpay ka sa pangarap mong maisara ang istasyong siyang totoong may malasakit sa yo at sa mga kababayan mo.

At hindi ang pinaniniwalaan mo."


***

No comments:

Post a Comment