Wednesday, April 15, 2020

Ethel Booba breaks her silence behind controversial Twitter account she now disowns

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na ang comedian na si Ethel Booba patungkol sa Twitter account na nakapangalan sa kanya.
Ethel Booba / Photo credit to Philnews

Sa kanyang Youtube channel, ikinuwento ni Ethel at pinatunayan na “fake” ang Twitter account na @IamEthylGabison.

Alam ko na hinintay niyo talaga ito about doon sa Twitter account. Itago na lang natin siya sa pangalang Fake Cuneta. Ang trabaho niya ay fake healer. Waley!” patawang simula ng komedyante.


Nag-start kasi `yan, sa pagkakaalala ko early 2016. Nagparamdam siya sa akin, hindi direct sa akin, kundi sa isang kaibigan ko, na kasama ko sa mga gimikan.”

“Hindi ko siya kilala, hanggang ngayon, lilinawin ko lang. Kinaibigan niya ang mga kapatid ko. Before nga mas close siya kay Boobita, na mine-message niya lagi.”

“Before pa, may Twitter ako, ang iamrealGabysonEthyl. Napuna ko na bakit ganun sa Twitter, puro war, there’s so much hatred in their heart, nawalan ako ng gana, nakaka-bad vibes siya, kaya tinanggal ko.”

“And then, nung nawala na ang Twitter ko, nag-PM siya sa akin, ‘Hi Miss Ethyl, fan mo ako.’ Sabi ko, bakit ganun, parang ginagaya niya ako.”

“Mga 2012 yata `yon. Hinayaan ko lang siya.”

“Hanggang sa hindi ko na nabuksan `yung Twitter account ko. At 2016 nga, finollow niya mga kapatid ko sa Twitter, at nagulat nga sila dahil finollow sila, na akala nila ako `yon.”


“Nung tumagal finollow rin niya si Jerry, `yung kasama ko lagi sa mga gimikan, sa walwalan, pati na sa taping. Kaya pag nakita niyo ang mga tweet niya, updated siya.”

“Updated siya sa mga nangyayari sa buhay ko, kasi ang mga photo ko sa Facebook, ninanakaw niya.”

“Noong una, natuwa ako, kasi maganda naman. Binasa ko lahat mga tweets niya. Okey naman. Hindi naman nakaka-harm sa ibang tao. Puro nakakatawa lang.

“So, noong una sinabi ko na hindi ako `yon, na hindi ko account `yon. Hindi na kasi ako active. Yun na nga, nakipagkaibigan siya sa mga kapatid ko. Nag-aalok pa ng mga show."

“Tapos `yun nga, marami na ang nag-follow kay Fake, yung lumalabas na admin."

"Nakikipag-collab na ang mga friends ko sa kanya. Hanggang sa tinawagan ako ng Viva, natuwa sila sa mga tweets ko, na walang politika, walang siraan.”

“Maganda raw kasi ang flow ng mga tweets. So hinayaan ko na lang na may admin ako.”

“Nagkaroon ako ng book, marami ang sumuporta sa akin. At kailangan ko na ring angkinin (yung Twitter), kasi ginagaya na nga niya ako, at nagpi-feed na rin ako ng mga tweet sa kanya, thru sa mga kapatid ko, o kay Jerry.”

“Wala akong kontak sa kanya. Hindi ko nga alam pagmumukha niya."



“And then 2019, parang nagbago ang flow, puro politika siya. Tapos sinasaling na niya ang administrasyon, mga politiko.”

“Sinabihan ko nga siya na wag makialam sa politika, sinabi ko sa kapatid ko.”

Ipinakita ni Ethel ang mga messages ng fake account sa kanyang kapatid.

Sinabihan rin si Ethel noon na umattend siya sa mga party ng mga politiko at tanggapin ang mga regalo na ibibigay, ngunit tinanggihan daw nila ito.

Hindi naman napigilan ni Ethel na maiyak habang nagsasalita dahil sa hirap na kinakaharap ng buong mundo ngayon. Ni hindi nga raw niya mailabas ang kanyang baby.

May sarili pala siyang hinaing, bakit ako ang kailangan niyang gamitin.?

“Hindi ko alam kung pinagkakitaan niya ang Twitter na `yon. Wala akong alam doon. Pero may mga nagme-message sa akin sa bago kong Twitter account na kunga no-ano. Na kesyo may mga produkto nga raw na in-endorse ang Twitter account na `yon, so bakit daw dinisown na ngayon.”

“Sana sabihin nila kung may ginawa sa kanila ito. Mati-trace natin ito.”

Marami na raw basher si Ethel ngayon.

“Kabilaan na ang mga basher. Dapat hindi tayo Duterte o ano, o ano, dapat magkaisa tayo. Kasi hindi natin alam kung katapusan na ng mundo. Dapat magtulong-tulong tayo.”



“Hindi tayo makalabas, hindi ko maipakita ang mundo sa anak ko.”

Pinasinungalingan rin ni Ethel ang mga haka-hakang may death threats umano siyang natatanggap kaya itinanggi niya ang Twitter account na iyon.

Wala akong death threat!” sabi niya.

“Ako ang nagamit dito, dahil namumulitika na siya. Kaya tinuldukan ko na kasi malapit na ang eleksiyon, baka pagkakitaan niya ito. Lalo na ngayon na nasa crisis tayo.”

“Bira siya nang bira ako ang nasisira.”

“Ang message ko lang sa iyo, Fake, tigilan mo na `yan. Makakarma ka sa ginagawa mo! Hindi na kita makontrol. Bakit ako ginaganito.”

“Sa mga namba-bash, bahala kayo kung ikakatuwa niyo `yon. Basta wag niyo lang idadamay ang anak ko, walang kinalaman ang bata. Walang kaalam-alam yon, anghel pa `yon."



“Gabaan kayo. Naiyak tuloy ako. Hindi tayo makalabas. Ang dami pang matitigas ang ulo,” sabi na lang ni Ethel.

Inamin naman ni Ethel na ikinampanya niya si Pangulong Rodrigo Duterte noon. Binoto at sinusuportahan nga raw niya ito hanggang ngayon.


"Sa mga nagtatanong kung anti-Duterte ako, kalkalin niyo ung Instagram ko, i-back read ninyo yung Facebook ko. Makikita ninyo ang tunay na kulay ko. Hndi ako anti-Duterte tigilan ninyo ako sa mga hidden agenda niyo.”

Panoorin ang video sa ibaba:



***
Source: Interaksyon

No comments:

Post a Comment