Wednesday, April 15, 2020

Ama naglakad ng 5km habang dala-dala ang box kung saan nasa loob ang katawan ng kanyang anak

Lahat naman tayo ay may pinagdadaanan sa buhay, ngunit napakasakit isipin na may isang ama na naglakad ng limang kilometro mula Pasig hanggang Makati habang dala-dala ang walang buhay na katawan ng kanyang anak.
Photo credit to Makati East Rembo Facebook Page

Ito ang nakakalungkot na pangyayari sa buhay ni Rodel Canas, 23, construction worker, residente ng 19th Avenue sa Barangay East Rembo, Makati City.

Ayon sa The Daily Tribune, dinala ni Canas ang kanyang asawa sa Rizal Medical Center, Pasig City, kung saan nanganak ito ng isang pre-mature baby noong March 11.

Na-diagnose ang baby ng congenital heart disease at nagkaroon na ito ng pneumonia dahil sa “severe sepsis” matapos ang isang buwan na pakikipaglaban.



Bago makaalis si Canas sa ospital ay mayroon itong bill na P245,000 para sa panganganak ng kanyang asawa at confinement ng kanyang anak.

Humingi ng tulong si Canas sa Barangay Chairman ng kanilang lugar na si Thelma P. Ramirez. Binigyan siya ng certificate of indigency upang makatulong sa kanyang bayarin sa ospital.

Ayon sa report, nilagay ang katawan ng sanggol sa loob ng box at binalot ng packaging tape.

Dahil walang masakyan ay napilitang maglakad ni Canas mula Pasig hanggang Makati habang dala-dala ang box kung saan nasa loob ang katawan ng kanyang anak.

Sa tulong ni Chairman Ramirez, naiayos ang burial ng anak ni Canas. Nais nitong ilibing ang kanyang anak sa bakanteng lote ng compound kung saan sila nangungupahang mag-asawa.

Ayon naman sa Facebook page na "Makati East Rembo", hindi pumayag si Chairman Ramirez na ilibing ang katawan sa bakanteng lote dahil bawal umano ito. Sa halip ay tumulong ito na ma-cremate ang sanggol. 

Nagbigay din umano ng tulong pinansyal si Kapitana.

"Maraming maraming salamat po Kapitana Thelma," sambit ni Canas.


***

No comments:

Post a Comment