Saturday, April 18, 2020

Sotto may patama sa mga tumutulong at ipopost sa social media

Tila may pinatatamaan si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa kanyang Instagram at Twitter post.
Senate President Vicente “Tito” Sotto III / Photo credit to PEP

“If you want to feed the Hungry, then feed the Hungry. But the moment you post it on Social Media, you are just feeding your EGO!”

Ang post ni Sotto ay base sa quote ng isang American basketball player at naging head coach ng University of California sa Los Angeles na si John Wooden.

Ang orihinal na quote ni Wooden ay: "If you want to feed the Homeless, then feed the Homeless. But the moment you post it on Social Media, you are just feeding your EGO!

Wala ng ibang binanggit si Sotto sa kanyang post pero malinaw na ang pinatatamaan niya ay ang Alkalde ng Maynila na si Isko Moreno at ang iba pang nagbibigay ng tulong at pagkatapos ay ipinu-post ito sa social media.

Kamakailan ay nanawagan si Isko sa mga senador na tulungan ang mga kapwa Pilipino sa kinakaharap na krisis sa ating bansa.

Ako’y nananawagan sa mga liderato sa national government, oposisyon at administrasyon lalo na sa mga di nagkaka-unawaan. Pwede ba? Ninety days lang pahinga muna tayo ng pulitika?” saad ni Moreno.

Mga senador, 24 lang kayo, mga sekretaryo, mga pulitikong katulad ko, ngayon natin ipakita, ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa Pilipino. Kaming mga tiga-Maynila, Pilipino rin. Ngayon niyo ipakita, maraming nagdadarahop,” dagdag nito.


***
Source: PEP

No comments:

Post a Comment