Lahat tayo ay naghahangad ng ligtas at maayos na kagamitan sa ating tahanan lalo na sa mga kagamitang pang kusina dahil maari itong pagmulan ng sunog.
Imahe mula sa Facebook post ni Mutya Javier
Dapat ay lagi tayong kampante na walang leak, butas o sira ang ating mga kagamitan.
Samantala, sa isang Facebook post ng netizen na si Mutya Javier, ibinahagi nito ang nakaka-alarmang pangyayari sa kanyang cooking stove.
Aniya, nabasag ang itaas na bahagi ng kanyang stove. Gawa ito sa salamin.
Hindi alam nina Javier ang sanhi kung bakit nabasag ang salamin ng kanyang stove ngunit sa tingin niya ay dahil sa masyadong paggamit at sa katagalan na rin nito.
Narito ang kanyang post:
“BABALA!
Kanina habang nagiinit ng tubig si nanay bigla na lang pumutok ang kalan reason kung bakit nagkabasag basag ang glass top ng kalan. Mabuti na lang wala si nanay sa harap ng kalan. Thank God! 🙏 Hindi namin alam kung bakit nagkaganon. Hindi naman daw umapoy ng malaki yung kalan, basta may narinig kami pumutok tapos yan na yung nakita namin. Hindi kaya masyado na gamit na gamit yung kalan? Lalo na kahapon maghapon naka-on dahil sa dami ng niluto? (Fiesta) I'm not sure pero 4 years na rin kse namin gamit to, ngayon lang namin naexpexience to. Maayos naman ang connection ng hose. Nakakatakot! Hindi rin pala safe to. 😔
I'm posting this for your info na ganitong klase ang gamit na stove. Ingat ingat po... Be safe everyone! 🙏 By the way sa mga nagtatanong, KYOWA po ang brand ng kalan.”
Sa comment section naman ng kanyang post, nilinaw ni Javier na wala siyang intensyon na siraan ang brand ng kanyang stove. Paliwang niya, ipinost niya ito upang magbigay lamang ng babala sa mga tao.
Kwento niya, kinontak siya ng mga representative ng brand ng stove at nagsabing gagawan nila ng report ang nangyaring insidente. Nag-offer din umano ang mga ito na papalitan nila ng brand new kung ano mang stove na gusto ni Javier.
Narito ang kanyang post:
"UPDATE!! GOOD NEWS!! REPOST
So ito na nga, after i posted the incident that happend last Monday morning about exploding of our glass top gas stove, nagviral po ito and it gained 57k shares in just 2 days, at nakarating po sa Kyowa management. Uulitin ko po, i didn't post it para siraan ang company or the manufacturer. I posted it in public to share and give warning to those who are using the same burner regardless of its brand. Maraming nagcomment and nagpm sakin na pwede ko daw icomplain sa company yung nangyari, but I DID NOT. It was not really my intention. And besides, almost 4 years na rin naman namin nagamit yung burner and it's out of warranty already.
Good thing, nagreach out po sakin ang #Kyowa representative through Messenger and talked to me about the incident. They felt sorry about what happened and made sure na gagawan nila ng action. They requested to retrieve the burner para maireport din nila sa glass top supplier. And in return, they offered to give me a brand new burner that i want. 😊 How great the company handles this kind of situation! Kudos to you guys! 👍 Thank you Miss #Guia and Miss #Regine for making the effort and reaching out to me! (Kahit di naman ako nagreklamo sa inyo). I really appreciate your time sa pagpunta sa bahay right away. 🙏 May plus points kayo sakin! 😊
Tip: dapat daw meron insulation na nakadikit sa ilalim ng glass, para in case na mabasag hindi dapat magtatalsikan ang mga bubog. In our case, wala kami nakita insulation sa ilalim ng glass kaya cguro nagexplode. So, better check your glass top para po iwas aksidente.
Kyowa management will update me kng ano daw ang magiging result ng kanilang investigation.
So ingat na lang po sa mga gamit esp sa gas stove. Have it check regularly. 👌
Thanks po sa lahat ng nagpm sakin kahit di nyo ko kilala, kinumusta nyo ang lagay ni nanay.. sobrang dami nyo, nakakatouch maraming salamat po🙏🙏🙏
***
Source: Mutya Javier | Facebook
No comments:
Post a Comment