Tuesday, April 28, 2020

Derek Ramsay sa Rappler: Bad Journalism

Tila galit na galit ang Kapuso aktor na si Derek Ramsay sa ginawang pagbabalita ng online news site na Rappler patungkol sa nangyaring insidente sa DasmariƱas Village, Makati City, kasangkot ang isang foreigner.

Sa kanyang Facebook post, tinawag na “bad journalism” ni Derek ang pagkaka-report ng Rappler sa naging kumprontasyon sa pagitan ng isang pulis at foreigner.

Ayon kay Derek, sana raw ay kinuha muna ng Rappler ang lahat ng “details and facts” patungkol sa mga nangyari bago ito naglabas ng balita.



Dagdag nito, dapat raw ay itigil na ng Rappler ang pinagmumukhang “bad guys” ang ating mga pulis at sundalo. 

Bad journalism!!!!! Stop making it seem that our soldiers and policemen are always the bad guys. Shouldnt you get all the details and facts first before posting an article about the situation?

Sa isang article ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi umano ni Derek na galit na galit siya sa report ng Rappler.

“I’m so angry. Hindi ko naman sinabing lahat ng frontliners ay angels, di ba?" sabi ni Derek.

Aniya, meron din daw talagang umaabusong mga pulis at sundalo sa kanilang tungkulin.



Pero ani Derek tungkol sa report, "It is so one-sided, it shouldn't be that way."

Sa isa pang post ni Derek, ipinagtanggol niya ang pulis na binastos at minura ng foreigner.

Show respect to our soldiers and policemen!! Just because you are rich and live in an expensive residential area makes you decent or better than everyone. Kuya mag bago ka na! Your arrogance doesnt help. These men and women are fighting hard for all of us so keep your mouth shut if you have nothing respectful to say.” ani Derek.

Kinampihan rin ni Derek ang Kapitana ng Barangay DasmariƱas na dumipensa sa pulis na sangkot sa insidente.

"Dapat lang, kasi nga politeness and manners, go a long way. Konting gratitude naman sa ginagawa ng tao." sabi ni Derek.

Nagbigay din ito ng komento para sa foreigner.



"Kahit sabihin naman na let's say nagkamali, but konting respect naman, konting respect naman to another human being. Makipag-usap ka lang. Maski sabihin mo nang nakainom, does that make it an excuse?” ani Derek.

"Makukuha mo pang uminom ngayon sa pinagdadaanan ng mundo, di ba? Makukuha mo pang maglasing?”

Subali't sinabi rin nito, “It's your right, you can do it in your house."

Sa huli, ani Derek, wala umano siyang isyu sa Rappler.

"Ako, again, like as I was saying, I have nothing against Rappler, wala naman akong sinabi. Kasi yun ang inaano nila sa akin, bina-bash, na 'porket Rappler, nega na kaagad.' Wala naman akong sinasabi. Ang sinabi ko, for journalism, maybe you should get the facts first before you post something like this. Which is true." sabi ni Derek.

"Kasi you're contributing to fake news, di ba?" dagdag ng aktor.


***
Source: PEP

No comments:

Post a Comment