Sunday, April 26, 2020

76-anyos na lolo ikinulong matapos magwala dahil wala umanong natanggap na ayuda mula DSWD

Isang lolo na 76-anyos mula sa San Isidro Surigao Del Norte ang ikinulong matapos umano nitong magwala sa nagaganap na distribution ng Social Amelioration Program (SAP) ng DSWD.
Lolo Bertolito Janier / Imahe mula sa Facebook post ni Meriam Janier Oco

Sa Facebook post ni Meriam Janier Oco, anak ni lolo Bertolito Janier, humihingi ito ng tulong at nakikiusap na sana raw ay palayain na ang kanyang ama.

Kwento ni Oco, wala sa listahan ng makakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno si lolo Bertolito. Bukod rito ay wala rin siyang natanggap na social pension para sa mga senior citizens sa buong taon ng 2019.



Dahil sa sama ng loob ay nagwala si lolo Bertolito sa nagaganap na distribution ng SAP habang may dala dalang kitchen knife. Hinuli ng mga pulis ang matanda at ikinulong.

Lubos naman ang pagmamakaawa at paghingi ng paumanhin ni Oco sa nagawa ng kanyang ama. Aniya, matanda na si lolo Bertolito at marami pang iniindang sakit. Sana raw ay palayain na ito.
Lolo Bertolito Janier / Imahe mula sa Facebook post ni Meriam Janier Oco
Lolo Bertolito Janier / Imahe mula sa Facebook post ni Meriam Janier Oco

Narito ang buong post:

“Hello po sa lahat. Di po ako pala post sa social media about our personal life. Pero this time po, kailangan namin manawagan for HELP and LEGAL assistance for our 76 years old father who suffered from anxiety and depression maliban sa banta ng covid19 pandemic na kasalukuyang nakakulong sa presinto sa lungsod ng San Isidro Surigao del Norte. Bakit po sya nakakulong? Last April 23, 2020,,around 9am nag conduct ang DSWD ng SAP distribution sa lungsod for qualified residents, ang Tatay po namin, si Bertolito Janier, 76y/o at lehitimong naninirahan sa lungsod ng san isidro ay wala po sa listahan ng mga makakatanggap ng ayuda from (SAP) Social Amelioration Program of our national government. Bukod po rito, buong year 2019 ay di rin po sya nakatanggap ng social Pension for senior citizen ng Brgy. Pelaez, in charge din po rito si DSWD staff #GenalynBerolSucano. Alam naman po nating lahat na ang mga senior citizen ay maramdamin at madali mairita, magalit at less ang patience maliban pa sa depression dahil month of february this year ay namatay din ang bunso namin kapatid dahil sa malubhang karamdaman ..ang anxiety condition ng Tatay namin, nagwala po sya sa nagaganap na SAP distribution sa Brgy Pelaez, may dala po syang kitchen knife that time kaya hinuli po at ikinulong sya agad ng mga pulis.


We tried to reach out sa DSWD staff na nagsampa ng kaso sa Tatay ko, named Genalyn Berol Sucano pero di po sya nakikipag usap sa amin at nakapag sampa na po sya ng kaso laban sa Tatay ko kanina, wala pa po kaming alam kung anong kaso ang isinampa nya kasi hihintayin daw namin yung notice from her lawyer. Ang amin lang po, bilang mga anak ng Tatay namin, sana po mapatawad nya kung nakaramdam sya ng threat sa nagawa ng Tatay namin. Di na po makakapanakit ang Tatay namin dahil mahina na po sya, diabetic, high blood and suffered already from mild stroke maliban sa depression and anxiety nya. Sana po,yung mga nalalabing araw ng Tatay namin, di na masayang sa rehas. Matanda at mahina na po sya para makulong, nagkasala po sya, pero sana po wag naman humantong sa pagkakakulong nya. Napakarami na po nyang sakit.... maliban po sa mga sakit nya ay hindi narin makakita ang isa nyang mata..Kung babalikan ang mga pangyayari,di po yun magagawa ng Tatay ko kung nagawa ng maayos ang evaluation at validation ng mga qualified beneficiaries for SAP and social pension of senior citizens....hindi po criminal ang tatay namin😭😭😭😭😭😭😭😭

Buong puso po kaming humihingi ng tawad at public apology ke DSWD Genelyn Berol Sucano. Sana po patawarin nyo ang Tatay namin sa nagawa nya. Wala po syang anak na kasama, nasa Parañaque po kami at ang isa namin kapatid nasa CDO. Wala pong nag aalaga sa tatay namin maliban sa kapatid nya at mga pamangkin sa Brgy Pelaez San Isidro Surigao del Norte. Nakalockdown po until now kaya di po namin mapuntahan ang Tatay namin for some help. Sana po matulungan nyo kami. Nakakadurog ng puso makita ang Tatay namin sa kalagayan nya, nangyari ito dahil sa kahirapan. Sayo po DSWD Genelyn Berol Sucano, parang awa nyo na po, patawarin nyo na po ang Tatay namin.



Our humble tribute to all DSWD staff who, unselfishly sacrifice their health, time, and comfort to provide the needed services. They are frontliners too. Malaki po ang respeto naming magkakapatid sa lahat ng front liners.

Sana po mabigayan ng pansin at tulong ang Tatay namin na sa ngayon ay nakakulong pa rin po sa lungsod ng san isidro surigao del norte”


***

No comments:

Post a Comment