Sunday, April 26, 2020

Lalaking nag-angkas ng frontliner dahil walang masakyang bus, hinuli ng enforcer

Dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine sa bansa, suspendido ang byahe ng mga pampublikong sasakyan at bawal din ang may angkas sa motorsiklo dahil sa ipinapatupad na social distancing.
Mga imahe mula sa Facebook post ni Michael Villanueva

Samantala, isang Facebook post ng netizen ang naging mainit na talakayan ngayon sa social media matapos siyang hulihin at ticketan ng traffic enforcer dahil inangkas niya ang kanyang hipag na health worker papasok sa trabaho nito.

Ayon kay Michael Villanueva, pinili niyang i-angkas ang kanyang hipag dahil wala umanong shuttle bus na dumaraan sa kanilang area. Kung meron naman daw eh madalang at walang tiyak na oras.



Mula sa Tungko, Bulacan ay ihahatid ni Villanueva ang kanyang hipag sa Quezon City.

Kwento ni Villanueva, matapos siyang hulihin ng enforcer ay pinababa na ang kanyang hipag sa motorsiklo at isasakay na lamang sa service.
Mga imahe mula sa Facebook post ni Michael Villanueva

Makalipas umano ang 30 minutes ay may dumaang service para sa mga frontliner ngunit hindi naman ito huminto upang isakay ang health worker.

Sa huli ay pinasakay ulit ng enforcer ang hipag ni Villanueva sa motorsiklo at pinaalis na sila.



MMDA: Cge isakay muna lng muna sya tutal na ticketan kana namin.”
Mga imahe mula sa Facebook post ni Michael Villanueva

Paki-usap ni Villanueva sa lokal na pamahalaan ay sana mayroong exemption para sa mga health workers na hirap bumyahe papasok sa kanilang trabaho.

Narito ang kanyang buong post:

“MMDA: Bawal ang angkas hindi kayo sumusunod sa Social distancing

Me: Pasensya na po sir from near Tungko Bulacan area wala pong dumadaang Shuttle service kung meron man bi2hira po at walang specific time para sa mga health workers kaya po nagagawa kong ihatid yung Sister in law ko sa Q.C hospital

MMDA: Akin na lisensya mo kaylangan ka nmen ticketan pwede mu to bayaran sa palawan or cebuana.

Me: Sir Pasensya na po Kht Konting consideration lng po sna gusto ko lng din tulungan yung hipag ko para maayos kopo syang maihatid sa hospital.

MMDA: Miss bumaba kana lng muna dyan isasakay kana lng namin sa Service

*after 30mins sa gitna ng init walang masakayan yung Hipag ko may dumaang bus na service pang frontliner pero hindi ito huminto nag decide po akong mag antay makasakay lng hipag ko pero hindi parin po sya nakasakay.

MMDA: Cge isakay muna lng muna sya tutal na ticketan kana namin.

*Ang Ending pinasakay din saken 😥with violation ticket and 5k na tubusin

- Pasensya na po kung wala akong ibang way para maka tulong sating Health worker pero sna This should be given an immediate attention lalu na po sa mga city mayor mabigyan nyu po sna sila ng exemptions or maayos na service na may sapat na oras karamihan po sa health workers natin hirap po pag papasok sa hospital Because all Health workers are not just going to work to earn money and to feed their family. But they come in to help us in terms of medical procedures, wherein we need more at this situation.”



***

2 comments:

  1. Naglabas po ang DILG ng protocol tungkol sa social distancing sa angkas na frontliner. ID lang po ng frontliner ang kelangang ipakita at pwede na po paraanin sa checkpoint. Kung di naman po frontliner, kung immediate family member ang angkas ay quarantine pass ang ipapakita at exempted na. (Revised Executive Order No.20-07 Section I - Subsection IV Exemption on "No Backride Policy/Bawal Angkas")

    ReplyDelete
  2. Truth be told, this is the best arrangement that you might need to consider. These are famous for some reasons. We should take a gander at a portion of the reasons.
    Toronto Party Bus

    ReplyDelete