Thursday, April 23, 2020

Kuya Wil pinapahanap ang mister na ilang kilometrong tulak ang naka-wheelchair na misis para ipa-dialysis

Photo credit to the owner

Ipinapahanap ni Willie Revillame ang lalaking nakasuot ng white na jacket ng “Wowowin” habang tulak-tulak ang kanyang asawang naka-wheelchair para ipa-dialysis sa Quezon City.

Sa ulat ng Balitambayan ng GMA network, gustong tulungan ni kuya Will ang mag-asawa dahil naawa ito sa kanilang kalagayan.

Ayon kay kuya Wil, ipinadala lang sa kanya ang video ng mag-asawang ilang kilometro ang kailangan nilang lakarin upang makapagpa-dialysis.

Dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine, walang masakyan ang mag-asawa.

"Ganyan po ang pinagdadaanan ng mga kababayan natin sa ngayon. Kung sino ka man, hahanapin ka namin para kahit papaano may ibibigay kami sa 'yo," saad ni Kuya Wil.

'Huwag kang mag-alala, nandito kami para tulungan ka," dagdag ni Kuya Wil.


***
Source: Balitambayan

No comments:

Post a Comment