Thursday, April 23, 2020

Pamangkin ng napatay na dating sundalo, humihingi ng hustisya

Mainit na usapin ngayon sa social media ang pagkakapatay ng isang pulis sa dating sundalo na si Cpl. Winston Ragos sa Quezon City.
Photo credit to the owner

Marami ang nagsasabing tama ang ginawa ng pulis dahil dinepensahan lamang nito ang kanyang sarili sapagkat tila may bubunutin ang dating sundalo sa kanyang sling bag.

Marami rin naman ang nagsasabing dapat sa paa o sa kamay na lang binaril ang lalaki upang hindi ito namatay. 



Sa Facebook post ng pamangkin ni Ragos, inilabas nito ang kanyang sama ng loob sa pulis na nakapatay sa kanyang tito.

Ayon kay Fae Macahilig, inakala ng pulis na may kahina-hinalang kilos ang kanyang tito dahil may kakulitan umano ito at mayroon din itong traumatic disorder.

Kwento ni Macahilig, marami na umano ang nagsabi sa pulis na may “warshock” umano ang kanyang tito ngunit hindi sila pinakinggan. 

Ayon pa kay Macahilig, may isang pulis raw na nagsabing “papatayin daw niya tito ko kahit ganun daw na may diperensya ay wala silang pakielam"

Dagdag pa niya, marami raw ang gustong kumuha ng video habang nangyayari ang insidente ngunit hinaharass raw ng mga pulis at pinabura pa.

Makonsensya po sana kayo sa ginawa niyo sa tito kong walang kalaban-laban.” sabi ni Macahilig.



Narito ang kanyang buong post:

“JUSTICE FOR CPL. WINSTON RAGOS

Share ko lang po ang kaawa-awang sinapit ng aking tito na si Cpl. Ragos ng Phi. Army sa kamay ng mga walang-awa at pusong mga pulis ng Station5 ng Brgy. Pasong Putik Quezon City. April 21, bandang alas-dos imedya ng hapon nakatayo ang aking tito na si Cpl. Ragos sa may isang tindahan. Isang pulis ng station5 na si sir Flaviano na makiki-cr subalit nakita niyang sumunod sa kanya ang aking tito na may Traumatic Disorder at akalang may kahina-hinalang kilos, at dahil nga po sa kanyang kondisyon normal na po sa kanya ang kanyang kakulitan. Kaya't hindi na nagpatuloy magcr si sir Flaviano at maya-maya dumating si sir Florendo at tinutukan ng baril ang tito ko, kaya nagtaas ito ng kamay. Marami na po ang nagsasabi sa pulis na wag barilin at wala namang baril tito ko pero hindi nakinig, sabi pa nung isang pulis "papatayin daw niya tito ko kahit ganun daw na may diperensya ay wala silang pakielam" hanggang sa umikot tito ko para ipakita sa pulis na wala siyang dalang baril, tinaas na niya ang kanyang dalawang kamay para huwag siyang barilin nito.. pero hindi paden po nakinig si sir Florendo, maraming tao na po ang sumisigaw na may WARSHOCKED po ang tito ko hanggang sa pinatapon yung bag ng tito ko hindi pa naitatapon bigla nalang niyang pinaputukan, ng 2beses at saka niya po naihagis ang kanyang bag at saka tumumba.



Sa pulis po na bumaril sa tito ko, sana makunsensya ka sa ginawa mo, halos lahat ng tao sinasabi na wag mong barilin dahil may sakit at walang baril. andaming gustong magvideo dahil nga mali ang ang ginawa mo pero pinapatigil at hinaharas nila ang mga taong nagv-video, pinabura pa po nila ito. Kayong mga brgy. na alam niyo at kilala niyo ang tito ko na may WARSHOCKED, asan kayo para awatin ang mga pulis at patotohanan niyo na may diperensya ang aking tito. Halos sumigaw kaming lahat pero nakatingin lang kayo at pinapanood niyo habang binabaril ang tito ko.

Makonsensya po sana kayo sa ginawa niyo sa tito kong walang kalaban-laban.

Tito mahal na mahal ka namin at kakamtin natin ang hustisya na para sayo.

Ito po ang video please watch para mahuli niyo po ang walang-awa at pusong pagpatay sa aking tito ni Mr. Florendo.

PLEASE SHARE PO



I-click ang link na ito upang mapanood ang video:



***

No comments:

Post a Comment