Sunday, April 12, 2020

OFW tinawag na uto-uto at bulag ang mga supporters ni Pangulong Duterte

Isang Facebook post mula sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang kumakalat sa social media kung saan tinawag nitong Assh*le si Pangulong Rodrigo Duterte.
Imahe mula Facebook

Unang nakita ang post na ito sa account ng netizen na si Richard B Guerrero. 

Ayon sa post, nakakalungkot isipin na nagpapauto at nagpapaloko umano ang mga Pilipino kay Duterte.

Tanong niya, kung totoo raw na may pagbabago sa bansa, bakit raw dumarami parin ang mga katulad niyang OFW.



Aniya, hindi raw lahat ng ayaw kay Pangulong Duterte ay bayaran at adik. Sila raw ay gising lamang sa katotohanan at hindi bulag sa katotohanan.

Dagdag nito, tanggapin na lamang ng mga supporters ni Duterte na sila ay nauto at naloko ng Pangulo.

"Tanggapin niyo na lamang na kayo ay NAUTO at NALOKO lang ng sinasamba niyong pangulo!” sabi nito.

Sa ngayon ay hindi na namin mahanap kung saan at kanino talaga nanggaling ang Facebook post na ito.

Narito ang buong post:

“I AM A FILIPINO AND MY PRESIDENT IS AN ASSH•LE

Hindi po ako ADIK at lalong hindi BAYARAN
Imahe mula Facebook

Isa lamang po akong simpleng OFW na lumaki sa hirap na natuto at patuloy na nangangarap.

Bilang isang mamayang Pilipino
Tungkulin po natin na bantayan at pagmalasakitan ang ating bayan hindi ang mga pulitikong gahaman.

Katulad ng maraming Pilipino, isa rin po ako sa naghahangad ng tunay na pagbabago. Pagbabago na mag-aangat sa bawat Pilipino lalo na ang mga nasa laylayan ng Lipunan.
Nakakalungkot isipin na maraming Pilipino ang patuloy na nagpapauto at nagpapaloko. Mga bulag-bulagan na nagpapanggap na may malasakit sa bayan.


Paano natin makakamit ang tunay na pagbabago kung patuloy tayong magpapauto at magpapaloko

Patuloy na lamang ba tayong aasa at maghihintay sa mga pangakong kabaligtaran naman ang nangyayare sa totoong buhay.

KUNG TOTOONG MAY PAGBABAGO?
BAKIT PATULOY PA RING DUMARAMI ANG MGA OFW?

KUNG TOTOONG MAY PAGBABAGO?
BAKIT ANG MGA OFW SA MIDDLE EAST HINDI PA RIN MAKAUWE PARA YAKAPIN AT LASAPIN ANG PAGBABAGO?

Sino ba ang may ayaw ng pagbabago?
Kami ba o kayong mga uto-utong panatiko?

Napaka sarap makabasa ng balita na maraming Pilipino na ang bumabalik sa Pilipinas dahil sa lumalakas na ating ekonomiya at may kasiguruhan na ang kinabukasan ng bawat Pilipino kaya hindi na kailangang mangibang bansa pa para magtrabaho.


Dahil Kung malakas na ang ekonomiya at magiging maayos ang sistema sa Pilipinas, babalik pa rin ako sa bayan ko kesa ipagpalit ko ang bansa ko sa ngalan ng karera o pera. Yan ay kung gigising na ang maraming Pilipino na unahin ang kapakanan ng bayan hindi ng mga pulitikong gahaman.

KAYONG MGA DUTERTARDS

Dapat niyong isaksak sa inyong bumbunan na walang laman.

Hindi lahat ng ayaw at kontra kay Duterte ay mga ADIK at BAYARAN!

Gising lamang ang aming isipan kaya hindi kami naging sunud-sunuran at naging bulag sa katotohanan!

Tanggapin niyo na lamang na kayo ay NAUTO at NALOKO lang ng sinasamba niyong pangulo!”


***
Source: Facebook

2 comments:

  1. Pano nman kami maniniwala sayo mukha kang jologs,pormang ignoranteng tae ka ahahha

    ReplyDelete
  2. Bakit di mo ipakita mukha mo takot ka ba sa kapangitan mo? Infairness nag effort ka pa talaga magpagawa ng tshirt ni PRRD ha ;). At saka bakit mukhang maiigsi mga paa mo unano ka ba?

    ReplyDelete